Seryosohin ang pananagutan at katotohanan, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,274 total views

Hinimok ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mamamayan na pag-ibayuhin ang pagbabantay at paghahanda sa pagdating ni Hesus ngayong panahon ng Adbiyento, kasabay ng kanyang panawagan para sa moral at tapat na pamamahala sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ito ang pahayag ng obispo sa isinagawang Trillion Peso March Movement sa EDSA People Power Monument, kung saan iginiit niyang nasa “sangangdaan” ang sambayanang Pilipino at muling hinamon ang pamahalaan na seryosohin ang pananagutan at katotohanan.

“Nahaharap ang bawat mamamayang Pilipino sa isang sangangdaan… Bawat isa ay hinahamong mamuhay ng marangal at banal. Kaya nga dapat kung seryoso ang ating pamahalaan, maging seryoso sa accountability, transparency at justice,” pahayag ni Bishop Vergara.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Adbiyento ay panahon ng pagbabantay at panloob na paghahanda, kung saan ang tunay na pagbabago ng bayan ay nagsisimula sa personal na pagbabagong moral at espiritwal.

Ayon sa obispo, mahalagang ipagdasal ng mamamayan ang mahinahong paghahanap ng katarungan, lalo na sa pagharap ng mga institusyon ng pamahalaan sa mga inihaing reklamo at kaso.

Sa gitna ng problema ng ating bansa, ipanalangin natin na maging mahinahon sa hamon na panagutin ang mga may sala. Panawagan ng simbahan na pagtrabahuhin ang bawat sangay ng gobyerno sa pagharap sa mga kasong ito,” giit ni Bishop Vergara.

Kasama ang obispo sa mga nakiisa sa pagtitipon na pinangunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, outgoing president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na nagdaos ng banal na misa bilang bahagi ng programa.

Iginiit ng Obispo ang patuloy na paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa katiwalian.

“Patuloy na pinaninindigan ng simbahan na labanan ang korapsyon at ikulong ang kurakot sa isang maka-Diyos na paraan,” aniya.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., na nagbahagi ng pagninilay, gayundin sina Gumaca Bishop Eugenius Cañete at Infanta Bishop Dave Dean Capucao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,887 total views

 44,887 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,756 total views

 40,756 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,958 total views

 76,958 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,719 total views

 85,719 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,225 total views

 111,225 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top