“Tunay na kapayapaan ay nagmumula sa kapangyarihan ng Diyos, hindi sa Armas”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,283 total views

Binigyang-diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Office on Stewardship na ang tunay na kapayapaan ay hindi kailanman nagmumula sa lakas ng armas kundi sa Diyos, kasabay ng panawagang ipagdasal ang mundo sa gitna ng patuloy na mga digmaan at krisis.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at World Day of Prayer for Peace, na ginugunita tuwing January 1, kung saan tinuligsa nito ang umiiral na paniniwala na makakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng pananakot at mga sandata.

“Huwag tayong maniwala na magkakaroon ng kapayapaan kung malakas tayo at matatakot ang iba. Ang kapayapaan na nagmumula sa armas ay huwad na kapayapaan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tinukoy ng obispo ang nagpapatuloy na digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang Ukraine, Gaza, West Bank, Sudan, at Myanmar, at binanggit ang babala ng yumaong Pope Francis na tila nasa kalagayan na ang daigdig ng isang “World War III in pieces.”

Aniya, ang kapayapaan ay regalo ng Diyos na dapat pagyamanin at patuloy na ipagdasal nang walang sawang panalangin, kasabay ang paalalang nangangailangan ito ng pagbabagong-loob ng mga lider at mamamayan.

“Ito ang mensahe ngayon: isang kapayapaan na hindi nagdadala ng armas; unarmed and disarming peace,” dagdag pa ng obispo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi wastong prayoridad ng mundo kung mas pinipiling gumastos sa armas kaysa sa serbisyong panlipunan.

“Kung ang pera na ginugugol na magkaroon ng armas ay ginagamit na magpagawa ng ospital, gumawa ng mga gamot at pagkain, magpatayo ng mga bahay, magkaroon ng trabaho ang mga tao, mawawala na ang maraming kahirapan sa mundo,” dagdag ng obispo.

Samantala, binalikan din ni Bishop Pabillo ang mga hamong hinarap ng Pilipinas noong 2025, kabilang ang mga kalamidad, pagtaas ng presyo ng bilihin, at mga isyung may kaugnayan sa korapsyon.

“Hindi naging madali ang 2025, ito ay taon ng Jubileo ng Pag-asa pero marami pa rin ang nawawalan ng pag-asa,” ani Bishop Pabillo.

Sa kabila nito, hinikayat ng obispo ang mga mananampalataya na pumasok sa taong 2026 na puno ng pananalig at tiwala sa Diyos na patuloy na gumagabay sa kasaysayan.

“Ang kasaysayan ay nasa kamay ng Diyos. Hindi lang siya nanunuod sa mga ginagawa natin. Ang Diyos ay nakikilakbay sa atin,” diin ng obispo.

Kasabay ng pagsisimula ng bagong taon, nanawagan si Bishop Pabillo ng mas aktibong pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, paglilingkod, at pagiging bukas-palad lalo’t higit sa nangangailangan sa lipunan.

“Hindi natin matatalo ang Diyos sa pagkamapagbigay,” ayon pa sa obispo.

Hiniling din ng obispo ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria, bilang Ina ng Diyos at ina ng sangkatauhan, upang patatagin ang pananampalataya ng mga Kristiyano sa gitna ng kawalan ng katiyakan.

“Let us start this year not with doubt nor with fear, but with confidence,” giit ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,708 total views

 46,708 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,577 total views

 42,577 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,779 total views

 78,779 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,500 total views

 87,500 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,859 total views

 112,859 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top