Archbishop Villegas sa umiiral na kultura ng katiwalian: “Sin against God and the Poor”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 67,702 total views

Mariing kinondena ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang umiiral na kultura ng korapsyon at karahasan sa bansa, na maituturing na “sin against God and the poor,” kasabay ng panawagan ng malalim na moral at espirituwal na pagbabagong-loob habang naghahanda ang lokal na Simbahan para sa sentenaryo ng Diocese of Lingayen sa 2028.

Sa kanyang liham pastoral sa pagsisimula ng taong 2026, binigyang-diin ng arsobispo na ang nalalabing dalawang taon bago ang ika-100 anibersaryo ng diyosesis ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi isang panawagan tungo sa panibagong direksiyon ng pananampalataya.

“We must specifically protest against the culture of corruption that poisons a country’s soul. Corruption is not just a political issue; it is a sin against God and the poor,” ayon sa pahayag ni Archbishop Villegas.

Ibinahagi ng arsobispo ang temang ‘Pasimbalo’ isang salitang Pangasinan na nangangahulugang “renewal” o pagbabagong-buhay sa pamamagitan ni Kristo, bilang sentrong diwa ng paghahanda sa sentenaryo ng arkidiyosesis.

Ayon kay Archbishop Villegas, ang unang hakbang sa tunay na pasimbalo ay panalangin, kung saan ang pagbabago ay nagsisimula sa personal na ugnayan sa Diyos at hindi lamang sa panlabas na relihiyosong gawain.

“True pasimbalo happens when we move from talking about God to talking with God,” ani ng arsobispo.

Hinikayat din ng pastol ang mga mananampalataya na magsagawa ng “courageous protest against sin,” partikular laban sa katiwalian sa lipunan, at binigyang-diin ang kongkretong hakbang ng pagtanggi sa suhol at bilihan ng boto bilang tanda ng tunay na pagbabagong-loob.

“Let us resolve this year to make corruption shameful again by refusing to participate in bribery or vote-selling,” giit ni Archbishop Villegas.

Binatikos din ng arsobispo ang kultura ng pagpatay at paglabag sa dignidad ng tao, at iginiit na hindi maaaring ipagdiwang ang kapistahan ni Maria bilang Ina ng Buhay habang nananatiling tahimik sa harap ng karahasan.

“We cannot celebrate The Mother of Life while remaining silent about summary executions or the disregard for human dignity,” ayon kay Archbishop Villegas.

Nanawagan din ang arsobispo na “prune” o putulin ang mga gawi at kultura na salungat sa Ebanghelyo, kabilang ang lumalaganap na kabastusan, online bashing, at pananalitang nakasisira sa kapwa.

“Vulgarity is not a sign of authenticity; it is an offense against the dignity of the person,” ani ng arsobispo.

Hinimok ni Archbishop Villegas ang mga mananampalataya na maging mapagmatyag at tagapagtanggol ng mahihirap at walang tinig sa lipunan, at manindigan laban sa mga pinunong ginagamit ang galit ng publiko para sa pansariling kapakinabangan.

“We plant hope when we demand accountability from those in power and refuse to be swayed by false prophets who exploit public anger for political gain,” saad ng arsobispo.

Ipinagkatiwala ni Archbishop Villegas ang Taon ng Pasimbalo sa Mahal na Birheng Maria at umaasang ang paghahanda ay magbubunga ng isang Simbahang buhay, matapang, at tapat sa Ebanghelyo, isang pamayanang tumatalikod sa “reign of murder and vulgarity” at buong pusong tinatanggap ang paghahari ni Kristo.

Matatandaang naitatag ang Diocese of Lingayen noong May 19, 1928 bilang bahagi ng metropolitan ng Archdiocese of Nueva Segovia na sumasaklaw sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Noong February 11, 1954, ito ay naging Diocese of Lingayen-Dagupan, at noong February 16, 1963, itinaas bilang arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 39,225 total views

 39,225 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,354 total views

 45,354 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 75,496 total views

 75,496 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 95,200 total views

 95,200 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 114,331 total views

 114,331 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top