San Sebastian church, handa na sa tradisyunal na DUNGAW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,344 total reads

Nakahanda na ang Basilika Menor de San Sebastian para sa tradisyunal na Dungaw, isang makasaysayang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa January 9, 2026.

Sa pahayag ng dambana, muling masasaksihan ng mga deboto ang banal na pagtatagpo ng dalawang pintakasi ng Quiapo District, ang Nuestro Padre Jesus Nazareno at ang Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián na sumasagisag sa pagkakaisa ng pananampalataya at malalim na debosyon ng mga mananampalataya.

Ayon sa basilica, magsisimula ang mga gawaing paghahanda sa January 8 matapos ang misa sa alas-6 ng gabi, kung kailan ibababa ang imahe ng Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián mula sa Retablo Mayor at isasagawa ang isang prusisyon patungo sa Camarín ng basilica.

Sa mismong kapistahan ng Jesus Nazareno sa January 9, magkakaroon ng mga banal na misa sa alas-6 at alas-7 ng umaga. Isasara naman pansamantala ang tarangkahan ng basilica bilang paghahanda sa Dungaw, ang pagdating ng imahe ng Jesus Nazareno sa Plaza del Carmen kung saan isaagawa ang seremonyang panalangin sa pangunguna ng mga misyonerong Agustino Rekoleto.

Muling bubuksan ang basilica sa January 10 para sa regular na iskedyul ng mga misa sa alas-6 at alas-7 ng umaga, at alas-6 ng gabi.

Ibinalik ng mga Agustino Rekoleto ang tradisyunal na Dungaw noong 2014 matapos itong mahinto sa loob ng ilang dekada mula pa noong unang bahagi ng 1900s.

Sa mga nagdaang taon, lumaganap na rin ang ritwal hindi lamang sa Maynila kundi maging sa mga karatig-lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija.

Makabuluhan din ang kasaysayan ng debosyon sa Nuestra Señora del Carmen sa bansa.

Ang unang pinagpipitagang imahen ng Birhen del Carmen sa Pilipinas ay ipinagkaloob ng mga Discalced Carmelite sa mga Agustino Rekoleto sa Mexico noong 1618, na nagbunsod sa paglaganap ng debosyon sa Brown Scapular sa bansa. Noong 1991, ginawaran ang imahe ng Pontifical Coronation mula sa Vatican.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,466 total reads

 16,466 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,341 total reads

 34,341 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,229 total reads

 74,229 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,357 total reads

 108,356 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,762 total reads

 164,762 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top