Episcopal Vicars at Vicar Forane, pinaalalahanan ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,541 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Episcopal Vicar at Vicar Forane ng Archdiocese of Cebu na ang kanilang tungkulin ay hindi isang karangalan kundi isang mabigat at mahalagang misyon ng pakikibahagi sa pastoral na pananagutan ng arsobispo para sa sambayanan ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Archbishop Uy sa isinagawang Governance Team Orientation sa Archbishop’s Residence sa Cebu City nitong Enero 6.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang kanyang pakikipagpulong sa mga vicar ay hindi bilang mga tagapangasiwa kundi bilang mga pastol na pinagkatiwalaang mangalaga sa kawan ng Panginoon.

“To be an Episcopal Vicar or a Vicar Forane is not a decoration; it is a participation in the bishop’s pastoral heart. You do not simply represent my authority. You share my burden, my concern, my sleepless nights, and my hope for our people,” pahayag ni Archbishop Uy.

Nagbabala ang arsobispo laban sa pamumunong pormal ngunit kulang sa malasakit at moral na kredibilidad, isang uri ng pamumunong nagdudulot ng pagkakawalay sa pagitan ng mga pari at ng mga mananampalataya sa mga distrito at bikaryato.

Iginiit ni Archbishop Uy na mahalagang maipadama ng mga vicar ang diwa ng pakikipagkapatiran sa paglilingkod, sapagkat higit na kailangan ng mga pari ang presensiya ng mga lider na marunong makinig, umalalay, at magwasto nang may pag-ibig.

“A good vicar does not wait for problems to explode. He walks early with his brothers, especially the quiet ones. A priest rarely leaves because of too much work. He leaves because he feels alone,” ani ng arsobispo.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga vicar na maging tulay at hindi hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng obispo at ng kaparian, lalo na sa pagpapatupad ng mga pastoral na programa at direksiyon ng arkidiyosesis.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang tunay na awtoridad sa pamumuno ay hindi nagmumula sa titulo kundi sa tiwalang ibinibigay ng kapwa pari; tiwalang hinuhubog ng panalangin, pagiging payak ng pamumuhay, at integridad sa ugnayan at paggamit ng yaman.

“Synodality will fail in Cebu if vicars become gatekeepers instead of bridge-builders. Priests do not follow you because you are appointed. They follow you because they trust you. In our time, when the Church is watched closely by society, we cannot afford leaders who are correct in policy but weak in witness,” giit ni Archbishop Uy.

Sa pagpapatuloy ng synodal journey ng Archdiocese of Cebu patungong 2034, hinamon ng arsobispo ang mga vicar na isulong ang mas malawak at mas misyong paglilingkod ng Simbahan, lampas sa pagiging komportable at nakasanayang gawain.

Nanawagan si Archbishop Uy ng sama-samang paglalakbay at bukas na diyalogo sa pamumuno ng lokal na Simbahan.
“I do not need perfect vicars. I need truthful, prayerful, courageous companions,” ayon pa sa arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na ang kinabukasan ng lokal na Simbahan sa Cebu ay hindi lamang mahuhubog sa mga dokumento at plano, kundi sa kongkretong paraan ng pag-akay, pag-aalaga, at tahimik na pagsaksi ng mga vicar sa kapwa pari at sa mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 22,107 total views

 22,107 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 72,121 total views

 72,121 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,990 total views

 67,990 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,845 total views

 103,845 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 111,279 total views

 111,279 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top