Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ecumenical faith community, nanindigang maging voice of the voiceless

SHARE THE TRUTH

 17,033 total views

Nanindigan ang iba’t ibang denominasyong Kristiyano sa Pilipinas na hindi ito mananatiling tahimik sa umiigting na mga krisis sa ekonomiya, pulitika, at karapatang pantao sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Ecumenical Affairs at ng National Council of Churches in the Philippines sa paggunita ng 2026 Week of Prayer for Christian Unity iginiit nitong ang pagbubuklod ay nakaugat sa diwa ng pag-asang hatid ni Hesukristo.

Sinabi ng ecumenical faith community na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano ay hindi lamang panrelihiyong adhikain kundi konkretong paninindigan para sa katarungan, kapayapaan, at dignidad ng mamamayan.

“We pledge to be sanctuaries for the oppressed and voices for the voiceless. We commit to protecting human rights defenders and pursuing a just and lasting peace that addresses the root causes of armed conflict—poverty, landlessness, and injustice. We will not remain silent in the face of tyranny,” anila.

Binigyang-diin ng grupo na ang kanilang pagkakaisa ay hindi gawa ng tao kundi kaloob ng Diyos, na nagiging makabuluhan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga halimbawa ng Panginoon lalo na sa gitna ng mga karanasang kinakaharap ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa pahayag, malinaw ang lumalawak na agwat ng mayaman at mahirap sa bansa kaya’t mahalagang matugunan ng mga lider ng pamahalaan ang kapakanan ng bawat Pilipino lalo na sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

“The cry of farmers for genuine land reform and the workers’ demand for a living wage are not merely secular concerns; they are spiritual cries for the ‘daily bread’ promised by our Lord,” dagdag ng grupo.

Binanggit din sa pahayag ng mga simbahan ang kalagayan ng demokrasya sa bansa kung saan nahaharap sa matinding banta at panganib lalo na ang mga naninindigan laban sa mga maling polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan.

“The shrinking space for democratic dissent and the persistent culture of impunity challenge our commitment to truth.”

Tinuran din sa pahayag na ang pambansang soberanya at dignidad ng mamamayan ay madalas na isinasantabi kapalit ng interes ng mas makapangyarihang puwersa ng mga halal na lider ng lipunan.

Tiniyak ng mga lider-simbahan na maninindigan bilang kanlungan ng mga inaapi at tinig ng mga walang boses at mahihina.

Kasama rin sa kanilang paninindigan ang pagtatanggol sa mga lupang ninuno, teritoryong pandagat, at likas na yaman ng bansa laban sa mga mapang-abusong inidbidwal na pinagkikitaan ang mga likas na yaman kapalit ang panganib sa kalusugan, kalikasan, at kalagayang panlipunan.

“We commit to defending our ancestral lands and maritime territories from foreign plunder and environmental destruction.”

Mariin ding tinuligsa ng grupo ang mapanirang malakihang pagmimina at iba pang uri ng development aggression na nagpapalayas sa mga komunidad lalo na ng mga katutubo at sumisira sa biodiversity.

Binigyang-diin ng ecumenical community na ang tunay na pagkakaisang Kristiyano ay hindi maaaring ihiwalay sa panlipunang pananagutan.

“We reject a ‘cheap unity’ that ignores social contradictions, and instead embrace a ‘costly unity’ that bears the cross alongside the suffering Filipino people. We will not return to ‘business as usual.”

Para sa ecumenical faith community, ang pagkakaisa ng mga Kristiyano ang pinamakabisang pagsabuhay sa misyon ni Hesus para sa sangkatauhan.

“When we stand together for truth, share our bread with the hungry, and walk alongside the marginalized, the world will know that there is indeed one Body, one Spirit, and one Hope.”

Ginanap ang opening worship ng pagdiriwang sa ishop Moises F. Buzon Memorial Church ng Iglesia Unida Ekyumenikal sa Tondo Manila kung saan dumalo si CBCP ECEA Chairperson at Lucena Bishop Mel Rey Uy at si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama ang mga lider ng iba’t ibang kristiyanong denominasyon sa bansa.

Magkaroon din ng mga pagtitipon sa UCCP Tondo Evangelical Church sa January 20; San Carlos Seminary Chapel ng Archdiocese of Cebu sa January 21; Our Lady of Queen of Peace Parish ng Diocese of Imus sa January 22; The Episcopal (Anglican) Church of the Holy Trinity sa January 23; Servants of Charity (Guanella Center) sa Quezon City sa January 24; habang ang closing ceremony naman ay isasagawa sa San Sebastian Cathedral ng Diocese of Tarlac.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 8,119 total views

 8,119 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 29,895 total views

 29,895 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 53,796 total views

 53,796 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 161,518 total views

 161,518 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 185,201 total views

 185,201 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

EDSA recall youth summit, ilulunsad ng CEAP

 1,161 total views

 1,161 total views Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mga Pilipino, higit na ang kabataan na makiisa sa idadaos na dalawang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top