Justice for labor is not optional charity-Caritas Philippines President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,143 total reads

Binigyang-diin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng Church People–Workers Solidarity (CWS) na ang katarungan para sa mga manggagawa ay isang obligasyong moral at hindi maaaring ituring na simpleng kawanggawa.

Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng ika-124 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Unión Obrera Democrática (UOD), ang kauna-unahang modernong pederasyon ng mga unyon sa Pilipinas.

Sinabi ng obispo na napapanahon pa rin ang laban ng mga manggagawa mahigit isang siglo matapos maitatag ang UOD noong 1902, sa gitna ng mababang pasahod, kontraktuwalisasyon, at hindi ligtas na kondisyon sa paggawa.

“Justice for labor is not optional charity; it is a moral imperative and a concrete path toward the peace God desires for society,” giit ni Bishop Alminaza.

Ayon pa sa obispo, taliwas sa kalooban ng Diyos ang patuloy na pagsasamantala sa mga manggagawa na lumilikha ng yaman ng bansa ngunit kadalasang nananatili sa laylayan ng lipunan.

Giit ni Bishop Alminaza na ito ay taliwas sa kalooban ng Diyos lalo na sa isinasaad sa Deuteronomio 24:14 “Huwag ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa.”

“While workers generate the nation’s wealth, many are forced to live in poverty, their labor undervalued and their voices silenced,” ani Bishop Alminaza.

Tinukoy rin ng obispo ang patuloy na pag-iral at paglala ng mga pananamantala sa ilalim ng mga polisiyang neoliberal, kabilang ang malawakang kontraktuwalisasyon, pagsasapribado, at labis na paghahabol ng tubo ng mga korporasyon.

“More than a century after the founding of the Unión Obrera Democrática, the same structures of exploitation persist and have even intensified under neoliberal policies,” dagdag ng obispo.

Mariing kinondena ng CWS ang anumang uri ng panunupil sa mga unyon at kolektibong pagkilos ng mga manggagawa, kabilang ang union-busting, red-tagging, at pananakot sa mga lider-paggawa.

“Any attempt to delegitimize unions, suppress organizing, or silence collective action—through union-busting, red-tagging, or intimidation—violates not only social justice but the Gospel itself,” giit ng obispo.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza ang turo ng Simbahang Katolika hinggil sa dignidad ng paggawa, batay sa ensiklikal na Laborem Exercens, na nagsasabing mas may prayoridad ang paggawa kaysa kapital dahil ang tao ang laging paksa ng paggawa at hindi kasangkapan lamang ng produksyon.

Nanawagan si Bishop Alminaza na ipagpatuloy ang diwa at pamana ng UOD sa pamamagitan ng pagtataguyod ng makataong pasahod, seguridad sa trabaho, ligtas na lugar-paggawa, at ganap na pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon at makipagkasunduan nang kolektibo.

Kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng UOD at sa Jubilee Year ng ika-800 sentenaryo ng pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, dalangin ni Bishop Alminaza na ang kapayapaan ay maisabuhay sa lipunan sa pamamagitan ng katarungan, pagkakasundo, at matapang na patotoo para sa karapatan ng mga manggagawa.

1902 nang maitatag ni Isabelo de los Reyes ang UOD kung saan kinilala itong ‘Father of the Philippine Labor Movement.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 39,249 total reads

 39,249 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 76,038 total reads

 76,038 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 109,729 total reads

 109,729 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 161,349 total reads

 161,349 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 222,984 total reads

 222,984 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top