Pagsasabuhay ng synodality, paiigtingin ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,903 total views

Pinaiigting ng Archdiocese of Manila ang mga konkretong hakbang upang ganap na maisabuhay ang synodality sa buong arkidiyosesis, kasabay ng paghahanda sa mga susunod na pandaigdigang pagtitipon ng Simbahan at sa ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis sa 2029.

Ayon kay Fr. Jason Laguerta, Vicar for the Implementation of the Traslacion Roadmap, isa sa mahahalagang hakbang ng arkidiyosesis ang kauna-unahang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA 2026) na layong patibayin ang synodal journey na sinimulan noong 2021.

Sinabi ng pari na patuloy ang pagkilos ng lokal na Simbahan ng Maynila upang pagnilayan at isabuhay ang mga resulta ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang komunidad at sektor.

Aniya, bahagi ito ng paghahanda ng arkidiyosesis sa Universal Ecclesial Assembly ng Vatican sa 2028, habang target namang ganap na maipatupad ang mga synodal program sa 2029.

“Yung 2029, tinitingnan natin ‘yun as timeline na hopefully by that time, mas talagang yung Archdiocese of Manila ay synodal na, both in vision and in practice,” pahayag ni Fr. Laguerta sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Laguerta na noong 2021, sa pamamagitan ng Audiam sa RCAM, pinakinggan ng arkidiyosesis ang mga “salamat at sana” ng sambayanan.

Mula rito ay nabuo ang Manila Synthesis Report na isinumite sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na nagsilbing batayan sa pagbuo ng Traslacion Roadmap.

Ang roadmap, ayon sa pari, ang nagsisilbing gabay ng arkidiyosesis sa pagsasabuhay ng synodality, isang proseso na hindi lamang nananatili sa pakikinig kundi humahantong sa sama-samang pagkilos.

“Hindi lang tayo nakikinig, kailangan kumikilos. Hindi lamang bilang isang ideya o pananaw, kundi bilang isang realidad sa ating paglalakbay,” dagdag pa ng pari.

Binigyang-diin din ni Fr. Laguerta na nakatuon ang arkidiyosesis sa tatlong pangunahing pastoral focus: integral faith formation, holistic human development, at governance and stewardship.

Layunin ng mga ito na makapagbalangkas ng mas malinaw at kongkretong hakbang upang maisabuhay ang diwa ng pakikilahok, pananagutan, at sama-samang paglalakbay ng Simbahan.

Isinagawa ang dalawang araw na MAEA 2026 sa The Fifth, Rockwell sa Makati City, na dinaluhan ng mahigit 500 delegado mula sa iba’t ibang parokya at sektor ng arkidiyosesis, sa pangunguna ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, kasama ang mga pari, relihiyoso, at mga layko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 3,986 total views

 3,986 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 27,138 total views

 27,138 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 97,250 total views

 97,250 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 171,864 total views

 171,864 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 251,705 total views

 251,705 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top