ILO, aminadong banta sa trabaho ng mga Pilipino ang AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,274 total reads

Pinangangambahan ng International Labor Organization o ILO Philippines ang patuloy na pag-usbong ng Artificial Intelligence na banta sa trabaho ng mga Pilipino.

Inamin ni ILO Philippines Director Khalid Hassan na bagamat hindi kagyat na mawawala ang trabaho para sa ibat-ibang sektor ay maapektuhan nito ang trabaho ng may 12.7-Pilipino dahil sa mabibilis at ibat-ibang uri ng tulong na naiaalok ng AI sa tao.

Inihayag ni Hassan na kapag nangyari ito, tataas ang antas ng kahirapan sa Pilipinas dahil dadami ang mawawalan ng trabaho sa mga Pilipino kapag hindi nagkaroon ng maayos na batas na magre-regulate sa paggamit ng AI.

“If we want AI to create decent work rather than deepen divides, we must act now. The message from the ILO’s new research is clear: AI can raise productivity and job quality, but only if no one is left behind”, ayon sa mensahe ni Hassan na pinadala sa Radyo Veritas.

Babala ng ILO, kung walang kagyat na pagtugon ay maaaring magdudulot ng matinding suliranin ang pag-usbong ng AI na magdudulot ng hindi pagkakapantay na mararanasan ang mga kababaihan at kabataan dahil sa kahirapan, informal work, at sigalot.

Kumbinsido naman si Hassan na kung bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang maayos na pangangasiwa sa AI ay magdudulot ito ng maraming trabaho mula sa Information Technology, digital skills, Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM education, at suporta sa women-led enterprises.

“Women and young people should not be treated merely as workers adapting to AI, but as innovators shaping how it is used. -The future of work is being built today. The real question is whether we build it with inclusion, dignity, and social justice at its core or allow old inequalities to be hard-wired into new technologies,” bahagi pa ng mensahe ni Hassan na pinadala ng ILO Philippines sa Radyo Veritas.

Sa tala ng ILO Philippines, 12.7-million ang bilang ng mga Pilipino ngayon na exposed sa generative AI na pinangangambahan mawalan o maapektuhan ang trabaho at kabuhayan.

Sa panlipunang aral ng Simbahang Katolika, paulit-ulit na binigyang-diin ni Pope Francis na ang teknolohiya ay dapat magsilbi sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat at hindi sa iilan lamang.

Kaakibat din ito ng turo ni Pope Leo XIII sa kaniyang ensiklikal na Rerum Novarum ay nakasaad na nararapat igalang at pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, lalo na ang mahihina, upang matiyak na ang pag-unlad ay may kasamang katarungang panlipunan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,333 total reads

 4,333 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,548 total reads

 6,548 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,424 total reads

 6,424 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,900 total reads

 18,900 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,286 total reads

 68,286 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,376 total reads

 90,376 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,197 total reads

 190,197 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,442 total reads

 222,442 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,428 total reads

 6,428 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top