Diyosesis ng Antipolo, naghatid ng tulong sa mga Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,539 total reads

Ibinahagi ng Ministry on Social Action, Human Development, at Caritas ng Diyosesis ng Antipolo ang kanilang misyon bilang daluyan ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita at pamamahagi ng tulong sa mga katutubong Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Mona Valencia, Program Coordinator ng social arm ng diyosesis, ang pagpunta sa Barangay Sta. Ines at Daraitan ay patunay na may mga taong handang umalalay sa pamayanang nangangailangan, lalo na sa mga katutubong nakatira sa kabundukan.

Tig-dalawang-daang pamilya mula sa dalawang barangay ang nakatanggap ng ayuda bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, kilala bilang Birhen ng Antipolo.

Binigyang-diin ni Valencia ang kahalagahan ng presensya ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na nanguna sa pamamahagi at personal na nakadaupang-palad ang mga benepisyaryo.

“Simple man, pero kitang-kita ang saya at ngiti ng mga tumanggap ng tulong mula sa ating obispo at mga pari. Sa pamamagitan nila, naipadama ang pagpapala ng Diyos sa mga tao,” ani Valencia.

Dagdag pa niya, isang malaking biyaya para sa mga Dumagat-Remontado ang katiyakang bukas ang diyosesis sa pagtugon sa kanilang pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga katutubong magsasaka.

Paliwanag ni Valencia, mahalagang marinig at maunawaan ang kalagayan ng komunidad upang makapaglatag ng mas angkop at pangmatagalang suporta.

“Isang biyaya para sa kanila na malaman na ang obispo at ang diyosesis ay handang tumulong sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan,” dagdag niya.

Una nang iginiit ni Bishop Santos na ang Simbahan ay maihahalintulad sa isang inang hindi nakakalimot dumalaw at kumalinga sa kanyang mga anak—isang Simbahang patuloy na nagmamalasakit, nagmamahal, at nag-aalaga sa kanyang nasasakupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 27,096 total reads

 27,096 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 135,205 total reads

 135,205 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 179,875 total reads

 179,875 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 202,081 total reads

 202,081 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 237,800 total reads

 237,800 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 105,758 total reads

 105,758 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top