Nuestra Señora de la Merced parish,ginawaran “Special Bond of Spiritual Affinity”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,278 total reads

Isang makasaysayang pagkilala ang tinanggap ng Nuestra Señora de la Merced Parish sa Pampanga matapos itong gawaran ng “Special Bond of Spiritual Affinity” ng Basilica de la Mercè sa Barcelona, Spain, na sentro ng debosyon sa Mahal na Ina ng Awa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong mundo na ipinagkaloob ang ganitong karangalan ng Orden de la Merced at ng Basilika.

Ayon sa pahayag ng parokya, natatanging pagkakataon ang pagkaloob ng ugnayan na magiging daan para mas mapalalim at mapalawak pa ang debosyon sa Mahal na Birhen na Ina ng Awa.

“Isang biyaya at karangalang ipinagkaloob sa ating parokya at bayan na nagpapalalim sa ugnayan at pananampalataya ng Pilipinas at Espanya sa ilalim ng pamimintuho ng Nuestra Señora de la Merced.”

Sa bisa ng ugnayang ito, magkakaroon ng kaparehong espirituwal na biyaya ang mga debotong bibisita sa parokya, tulad ng mga dumadalaw sa basilika sa Espanya.

Ang pagkilalang ito ay naisakatuparan sa kahilingan ng mga mananampalataya ng Bahay Pare, Candaba, sa tulong at paggabay ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, at sa pagsang-ayon nina Barcelona Archbishop Juan José Cardinal Omella at ng rektor ng basilika.

Nakatakdang pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang banal na pagdiriwang para sa makasaysayang ugnayang ito sa April 28 sa alas 9 ng umaga.

Ayon sa kasaysayan, ang debosyon sa Nuestra Señora de la Merced ay nag-ugat pa noong ika-13 siglo sa Espanya nang magpakita ang Mahal na Birhen kina St. Peter Nolasco, St. Raymond of Peñafort, at King James of Aragon kung saan hiniling ang pagtatatag ng orden na nakatuon sa pagliligtas ng mga bihag at pagpapalaganap ng habag ng Diyos.

Dinala ang debosyong ito sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya, at sa Candaba, Pampanga ay naging sentro ito ng matibay na pananampalataya, lalo na sa paniniwala sa Mahal na Ina bilang tagapagtanggol at mapagpalaya.

Sa bagong ugnayang espirituwal na ito, higit pang pinagtitibay ang makasaysayang pananampalatayang nag-uugnay sa Pilipinas at Espanya sa ilalim ng mapagkalingang pagkalinga ng Nuestra Señora de la Merced.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,628 total reads

 56,628 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,124 total reads

 143,124 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,161 total reads

 186,161 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,920 total reads

 235,920 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,428 total reads

 394,428 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top