Pagdiriwang sentenaryo ng Our Lady of Manaoag, isang biyaya sa mga deboto at simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total views

Kinilala ni Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog ang kahalagahan ng pagdiriwang ng sentenaryo ng Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag bilang tanda ng biyaya at pagmamahal ng Diyos sa mga mananampalataya.

Ayon sa Obispo, isang malaking biyaya ang pagdiriwang na ito para sa mga deboto at sa buong Simbahan.

Binigyang-diin ng Obispo na ang dambana sa Manaoag ay patunay ng patuloy na paggabay ng Diyos, lalo na sa mga panahong nanghihina ang tao dahil ang Diyos ay laging bukas at handang magbigay ng lakas at kalinga sa sinumang lalapit sa Kanya.

“Ito po ay isang kakaibang grasya na nagpapahiwatig ng pagmamahal ng Diyos, siya ay palaging bukas, palaging nagbibigay sa atin sa lahat ng panahon na tayo ay nanghihina. Ang kailangan po natin ay lapitan siya. And for 100 years, nasa harap po natin ang minor basilica na ito. Marami na po ang binigyan ng ating Ina ng pag-asa sa kanilang buhay pag-asa kasi sila’y napagaling sa kanilang sakit,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Layog.

Ayon pa kay Bishop Layog, sa loob ng 100-taon ay naging daluyan ng pag-asa ang dambana kung saan maraming deboto ang nakaranas ng kagalingan, lunas sa karamdaman, at solusyon sa kanilang mga suliranin.

Inilarawan din niya ang simbahan bilang patuloy na sumasama sa paglalakbay ng mga mananampalataya patungo kay Hesus at sa Diyos.

“At kapag kasama natin ang ating Ina, wala na tayong hihingin pa at higit pa bilang isang kasama, hindi isang Ina na nag-aaruga at nagyayakap sa atin. Sa mga panahon na tayo ay nangangailangan ng tulong at kalinga. So, God bless us all. God bless all of you, devotees of Our Lady of Manaoag,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Layog.

Hinimok ng obispo ang mga deboto na patuloy na magtiwala at dumulog sa Mahal na Birhen, lalo na sa mga panahon ng pangangailangan. Ang ganitong panawagan ay umaayon sa adhikain ng Simbahan, sa ilalim ng pamumuno ni Pope Leo XIV, na palakasin ang pananampalataya at pag-asa ng mga mananampalataya sa gitna ng mga hamon ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 46,767 total views

 46,767 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 74,772 total views

 74,772 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 92,572 total views

 92,572 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 90,586 total views

 90,586 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 199,513 total views

 199,513 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 4,604 total views

 4,604 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top