Peer-based support system, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,787 total reads

Naglunsad ang Archdiocese of Cebu ng isang peer-based support system para tugunan ang lumalalang usapin ng mental health ng mga pari, na nakatuon sa pakikinig, presensya, at kapatirang pastoral.

Ayon kay Archbishop Alberto Uy, magtatalaga ang arkidiyosesis ng mga “priest-companion” na magsisilbing katuwang ng kapwa pari sa pagbibigay-suporta lalo na sa oras ng emosyonal na pinagdaraanan.

Inihayag ito ni Archbishop Uy sa kanyang unang State of the Archdiocese Address sa Cebu Metropolitan Cathedral noong April 28, 2026.

“In response to the growing concern for the mental health of our clergy, we have taken a concrete step,” pahayag ni Archbishop Uy.

Sa ilalim ng programa, hahatiin sa mga pangkat ayon sa edad ang mga pari, at bawat grupo ay pipili ng dalawang kinatawan na aagapay sa mga nangangailangan ng suporta sa kanilang ministeryo at personal na buhay.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na layunin ng inisyatiba na mapatatag ang samahan ng mga pari sa gitna ng lumalaking hamon sa kanilang bokasyon.

“In this way, we foster not only organization, but fraternity… not only structure, but genuine care for one another,” ayon kay Archbishop Uy.

Isinagawa ang hakbang na ito kasabay ng lumalakas na pambansang atensyon sa kalusugang pangkaisipan ng mga pari, kung saan kinikilala ng mga lider ng Simbahan ang tumataas na antas ng pagkabalisa sa kaparian.

Magugunita sa homiliya ng Chrism Mass sa Manila Cathedral noong April 2, binanggit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na nasa 18 porsyento ng mga pari sa bansa ang nakararanas ng psychological distress.

Tinatayang isa sa bawat limang pari ang dumaranas ng depression, anxiety, pag-iisa, at burnout.

“This is a concern we cannot ignore anymore, and we have to face it to resolve it,” ayon kay Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 68,727 total reads

 68,727 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 155,226 total reads

 155,226 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 198,261 total reads

 198,261 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 248,020 total reads

 248,020 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 405,902 total reads

 405,902 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,577 total reads

 192,577 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top