Mga Cebuano hinimok ni Archbishop Uy na magtayo ng Miyawaki Pocket Forest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 188 total views

Hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Cebuano na magtayo ng Miyawaki Pocket Forest sa kani-kanilang pamayanan bilang konkretong ambag sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang Miyawaki Pocket Forest ay isang masinsinang paraan ng pagtatanim na naglalayong makabuo ng mabilis na lumalago at sariling nabubuhay na ekosistema.

Ayon kay Archbishop Uy, kahit maliliit na espasyo tulad ng bakuran, paaralan, o lote ng parokya ay maaaring gawing luntiang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga katutubong puno at halaman.

More than a project, it is a simple but powerful act of care for our common home… One small forest, planted with care, can inspire many others—and together, they can help heal our land,” pahayag ni Archbishop Uy.

Iginiit ng arsobispo na ang simpleng hakbang na ito ay hindi lamang makatutulong sa pagpapalamig ng kapaligiran at pagpapanumbalik ng sigla ng lupa, kundi makapagbibigay rin ng tirahan sa mga ibon at iba pang buhay-ilang.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga komunidad na magsimula kahit sa maliit na espasyo sa pamamagitan ng paghahanda ng lupa, paggamit ng organikong pataba, at pagtatanim ng samu’t saring katutubong punongkahoy.

Ang Miyawaki Method ay binuo ni Dr. Akira Miyawaki, isang Japanese botanist at plant ecologist na nakilala sa pagsusulong ng mabilis at likas na pagpapanumbalik ng mga kagubatan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy na sa pamamagitan ng pamamaraang ito ay maaaring makabuo ng matured at self-sustaining na kagubatan sa loob lamang ng 20 hanggang 30 taon, mas mabilis kumpara sa karaniwang paraan ng pagtatanim ng mga puno.

“Dr. Miyawaki helped plant over 40 million trees worldwide, restoring degraded lands, urban areas, and even industrial sites into thriving green spaces. His work reminds us that nature can heal quickly—if we work with it, not against it,”
ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na bawat maliit na gubat na maitatanim ay hakbang tungo sa paghilom ng daigdig at pagsasabuhay ng pananagutan sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 32,150 total views

 32,150 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 54,155 total views

 54,155 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 78,497 total views

 78,497 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 102,069 total views

 102,069 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 135,444 total views

 135,444 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top