363 total views
Pormal nang tinanggap ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang pagretiro ni Urdaneta Bishop Jacinto Jose.
Kasabay nito ay itinalaga ng santo papa si Fr. Nick Vaquilar ng Archdiocese of Nueva Segovia bilang kanyang kahaliling pastol sa diyosesis.
Nagsilbi si Bishop Jose bilang ikatlong obispo ng Urdaneta mula December 2005 hanggang maabot ang mandatory retirement age ng obispo na 75 taong gulang noong October 2025, matapos ang halos dalawang dekadang pagpapastol.
Ilan sa mga ginampanang tungkulin ni Bishop Jose ang pagiging chairman ng Episcopal Commission on Canon Law.
Samantala si Bishop-elect Vaquilar ay tubong Cabugao, Ilocos Sur, nagtapos ng pilosopiya sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City at teolohiya naman sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.
Inordinahang pari noong May 5, 1997, at unang naglingkod sa mga parokya bago naging bahagi ng faculty ng ICST, ang regional seminary sa Northern Luzon.
Mula 2001 hanggang 2004, nag-aral ng licentiate ng biblical theology sa Roma.
Matapos nito ay muling nagturo ang bishop-elect sa ICST noong 2006 at nagsilbing procurator at tagapangasiwa sa paghuhubog at kapakanan ng mga seminarista.
Ilan sa mga tungkulin ni Bishop-elect Vaquilar ay ang pagiging vice rector ng seminaryo at pangulo ng Priests’ Assembly ng Archdiocese of Nueva Segovia.
Noong 2016, nagtamo siya ng doctorate sa sacred theology na nakatuon sa biblical theology mula sa Loyola School of Theology ng Ateneo De Manila University.
Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang obispo, nagsilbi si Bishop-elect Vaquilar bilang rector ng ICST at pinamunuan ang Commission on Biblical Apostolate at Commission on Seminaries ng arkidiyosesis






