Cancer patients, hinimok na hingin ang pamamagitan ni San Ezekiel Moreno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,099 total reads

Nagpapatuloy ang Camino de Padre Ezekiel kung saan binisita ang San Ezekiel Moreno Parish sa Diocese of Kalookan at dinala ang pinakamalaking first-class bone relic ni San Ezekiel Moreno, patron ng mga may kanser.

Ayon sa St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos, ito ay bahagi ng misyon na palalimin ang debosyon sa santo at magbigay ng espirituwal na suporta sa mga dumaranas ng karamdaman.
Naging makahulugan ang pagdalaw ng relikya noong June 7, Corpus Christi Sunday, sapagkat ang San Ezekiel Moreno Parish sa Caloocan City ay kinikilalang kauna-unahang parokya sa buong mundo na ipinangalan sa santo.

“The pilgrimage seeks to foster greater devotion to St. Ezekiel Moreno amid the rising incidence of cancer in the country,” ayon sa pahayag ng St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos.

Bahagi rin ito ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Ezekiel Moreno tuwing Agosto 19.

Pinangunahan ni Fr. Joseph Panaligan, OAR, ang pagdala ng reliquary sa Kalookan kasama ang mga kasapi ng Secular Augustinian Recollect Fraternity, at mga Recoletong seminarista.

Pormal na itinatag ang parokya noong November 1, 1992 sa pamamagitan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang pagkilala sa bagong hirang na santo na nagmisyon din sa Pilipinas.

Personal na dumalo si Cardinal Sin sa canonization ni San Ezekiel Moreno sa Dominican Republic noong October 11, 1992.

Patuloy namang hinihikayat ng mga Augustinian Recollect ang mga mananampalataya na hingin ang pamamagitan ng santo para sa mga may karamdaman sa kanser, sa kanilang mga pamilya, at sa mga tagapag-alaga.

“May St. Ezekiel Moreno continue to intercede for all who suffer, bringing hope, strength, and consolation to those battling cancer and to their loved ones,” ayon sa St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos.

Nananatiling nakalagak ang relikya sa St. Ezekiel Moreno Novitiate House sa Antipolo City at patuloy na inililibot sa mga diyosesis, dambana, at parokya sa bansa bilang bahagi ng pagpapalaganap ng debosyon kay San Ezekiel Moreno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,520 total reads

 9,520 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,484 total reads

 45,484 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,890 total reads

 101,890 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,129 total reads

 225,129 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top