Pope Leo XIV, nagpaabot ng panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,713 total reads

Nakikiisa at nag-alay ng panalangin si Pope Leo XIV para sa mga Pilipinong naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa ilang lugar sa Mindanao noong June 8.

Sa kanyang mensahe matapos ang pagdarasal ng Angelus sa St. Peter’s Square noong June 14, partikular na inalala ng Santo Papa ang mga nasawi, nasugatan at mga pamilyang patuloy na dumaranas ng hirap dulot ng kalamidad.

“I assure the people of the Philippines, struck a few days ago by a powerful earthquake, of my closeness. I pray for the deceased and their families, for the wounded and for all those suffering because of this disaster,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Inihayag sa mensahe ng Santo Papa ang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol habang nagpapatuloy ang pagbangon ng mga residente mula sa pinsalang dulot ng sakuna.

Ang panawagan ng panalangin para sa Pilipinas ay bahagi ng kanyang mensahe kung saan binigyang-diin niya ang malasakit ni Kristo sa mga taong dumaranas ng paghihirap at pagsubok.

Ayon sa Santo Papa, nakikita ni Hesus ang mga sugat at pasanin ng sangkatauhan at patuloy na nakikiisa sa bawat tao sa kanyang pagdurusa.

“Jesus sees and loves. He loves and suffers for and with us: his compassion expresses not only fraternal closeness, but his desire to redeem,” ani Pope Leo XIV.

Paliwanag ng Santo Papa na ang habag ni Kristo ay hindi lamang damdamin ng pakikiramay kundi konkretong pagnanais na iligtas at itaas ang kalagayan ng mga nagdurusa.

Sa harap ng iba’t ibang krisis at kalamidad na kinakaharap ng mundo, hinikayat din ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na maging mga tagapaghatid ng pag-asa at kaginhawaan sa mga nangangailangan.

Ang mensahe ng pakikiisa ni Pope Leo XIV sa Pilipinas ay muling nagpapatunay sa malapit na ugnayan ng Santo Papa sa mga Pilipino, na madalas niyang ipinagdarasal lalo na sa mga pagkakataong nahaharap ang bansa sa mga pagsubok at kalamidad.

Hiniling naman ng Santo Papa sa mga mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa pananalangin para sa mga biktima ng lindol at sa kanilang mga pamilya, upang makatagpo ng lakas, pag-asa, at kagalingan sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

Sa datos ng Office of the Civil Defense, nasa 173,000 pamilya, o katumbas ng halos isang milyong katao, ang apektado ng malakas na pagyanig na ikinasawi ng 61 indibidwal, habang mahigit sa 1,000 katao ang nasugatan.

Patuloy namang kumikilos ang mga lokal na simbahan sa bansa upang tulungan ang mga apektadong residente na karamihan ay mula sa Diocese of Marbel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,455 total reads

 60,455 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,951 total reads

 146,951 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,988 total reads

 189,988 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,747 total reads

 239,747 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,021 total reads

 398,021 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top