Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Palawan, umalma sa pagputol ng mga puno dahil sa minahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total views

Nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP sa pamahalaan na muling suriin ang mga permit sa pagputol ng mga puno kaugnay ng mga proyektong pagmimina sa Palawan, upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng susunod na henerasyon.

Sa inilabas na pastoral letter, nagpahayag ng pagkabahala ang obispo sa lawak ng pinsalang maaaring idulot ng pagmimina sa lalawigan, lalo na sa mga kagubatan at likas na yaman ng Palawan.

Ayon kay Bishop Mesiona, batay sa mga pampublikong dokumento at pinagsamang talaan, hindi bababa sa 218,854 na punongkahoy ang saklaw ng mga Special Tree Cutting and Earth-Balling Permits (STCEP) na inaprubahan para sa mga proyekto ng pagmimina sa mga lugar tulad ng Aborlan, Brooke’s Point, Bataraza at ilang bahaging konektado sa Mt. Bulanjao.

“Nakapagtataka na ang mga ahensiyang inaasahang mangangalaga sa kalikasan ay inaakalang mahigpit sa pagpapatupad ng batas sa karaniwang mamamayan, ngunit tila maluwag at mapagbigay sa malalaking kompanya ng pagmimina at mga makapangyarihang tao. Nagbibigay ito ng impresyon sa ilan na may dalawang uri ng batas sa ating bansa: isa para sa mayayaman at makapangyarihan, at isa para sa mahihirap,” ayon kay Bishop Mesiona.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagputol ng mga puno ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na pananagutan sa Diyos, sa kapwa, at sa mga susunod na salinlahi.

Dagdag pa ni Bishop Mesiona, aabutin ng maraming taon bago lumaki ang isang puno kaya’t nakalulungkot isipin na ang libu-libong punong tumubo sa loob ng mga dekada at maging mga siglo ay maaaring maputol sa napakaikling panahon.

Ipinaalala rin ng obispo ang turo ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalagang bahagi ng tunay na pag-unlad ng tao at lipunan.

“Kung makapagsasalita lamang ang mga punong ito, marahil ay magsusumamo silang pakinggan natin ang kanilang tahimik na panawagan,” saad ni Bishop Mesiona.

Nanawagan ang obispo sa mga ahensya ng pamahalaan na suriin ang mga permit sa pagputol ng puno, isapubliko ang lahat ng kaugnay na dokumento, alamin kung ang mga ito ay umaayon sa umiiral na mining moratorium sa Palawan, at magsagawa ng mga reporma upang higit na mapalakas ang proteksyon sa mga kagubatan.

Iginiit ni Bishop Mesiona na ang Palawan ay hindi lamang sagisag ng kagandahan kundi isang kaloob ng Diyos na dapat pangalagaan ng bawat mamamayan, upang matiyak na maipapamana sa susunod na henerasyon ang isang buhay at maayos na kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 15,321 total views

 15,321 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 61,044 total views

 61,044 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 63,254 total views

 63,254 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 136,246 total views

 136,246 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 147,899 total views

 147,899 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top