Bishop Mangalinao, kinasuhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,597 total reads

Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation (NLMRC) sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat, nakasentro ang usapin sa planong exploration sa 4,456 hektaryang lupain na sumasaklaw sa mga lugar ng Pao, Kakidugen, Pacquet, Dine at Catarawan sa Kasibu.

Kabilang si Bishop Mangalinao sa mga nangungunang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at tumututol sa mga proyektong pagmimina na maaaring magdulot ng pinsala sa kapaligiran at kabuhayan ng mga komunidad.

Maliban sa obispo, kinasuhan din sina Fr. Christian Dumangeng, dating Social Action Director ng diyosesis at kasalukuyang station manager ng Radyo Veritas Bayombong, Florentino “Tinong Daynos, anti-mining group leader, at anim pang iba, na iniuugnay sa pagpapanatili ng iligal na barikada sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain bilang bahagi ng pagtutol sa exploration activities.

Isinampa ni Rosario Camma, sa kanyang personal na kapasidad at bilang overall chieftain ng Bugkalot/Ilongot Indigenous Peoples/Indigenous Cultural Communities (IPs/ICCs), ang kasong sibil para sa “Forcible Entry with Temporary Restraining Order, Writ of Preliminary Injunction at Writ of Preliminary Mandatory Injunction” sa Municipal Trial Court ng Kasibu na pinamumunuan ni Judge Herson Valmores.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng korte ang kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO).

“The court finds that there is no necessity to issue Temporary Restraining Order as prayed by the plaintiff. But for the purpose of acting on the prayer for the issuance of writ of preliminary injunction, a hearing shall be held on June 23,” ayon sa inilabas na kautusan ni Judge Valmores.

Samantala, iginiit ni Atty. Fidel Santos, abogado ng mga sinampahan ng kaso at isa ring environmental advocate, na maituturing na Strategic Lawsuit Against Public Participation o SLAPP suit ang isinampang kaso.

“Nakasaad iyan sa Rules of Procedure on Environmental Cases. Basically, ang SLAPP suit ay may layuning i-harass, i-annoy, i-intimidate o i-demoralize ang mga katulad namin at ni obispo na naninindigan para sa proteksiyon ng ating kalikasan. Harassment suit iyan para patigilin ang kampanya kontra pagmimina,” ayon kay Santos.

Sa kabila nito, sinabi ng abogado na lalo lamang nitong pinatitibay ang kanilang paninindigan na ipagpatuloy ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa mga komunidad na maaapektuhan ng pagmimina.

Matatandaang ilang ulit nang nagpahayag si Bishop Mangalinao ng suporta sa mga hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtatanggol sa mga katutubong pamayanan laban sa mga proyektong nakikita nilang may banta sa kapaligiran at kabuhayan ng mga residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,866 total reads

 57,866 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,362 total reads

 144,362 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,399 total reads

 187,399 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,158 total reads

 237,158 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,596 total reads

 395,596 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,086 total reads

 192,086 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top