Patatagin ang sakramento ng kasal at pamilya, hamon ni Pope Leo XIV sa CFC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,384 total reads

Hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga mag-asawa na manatiling matatag sa kanilang pangako sa sakramento ng kasal at maging buhay na saksi ng mapagbigay at nagbibigay-buhay na pag-ibig ng Diyos sa gitna ng iba’t ibang hamon ng makabagong panahon.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Couples for Christ (CFC), kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbubuklod ng mag-asawa at pamilya bilang salamin ng banal na pag-iisang-loob ng Santatlo.

Ayon kay Pope Leo XIV, mahalagang pagkakataon ang anibersaryo upang higit pang mapalalim ng mga mag-asawa ang kanilang pagtanggap sa biyaya ng sakramento ng kasal.
“Just as the Triune God is a family of Divine Persons, so sacramental marriage becomes a human image of that communion when a man and woman are joined together as ‘one flesh’,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng punong pastol ng Simbahang Katolika na sa kasalukuyang panahon ay nahaharap ang mga pamilya sa mga hamon na nagpapahina sa katapatan at panghabambuhay na pangako sa buhay may-asawa.
“In a world driven by individualism and a desire for instant gratification, it is becoming increasingly difficult to make the lifelong commitment that is essential for holy Matrimony,” ayon pa sa Santo Papa.

Hinimok ng Santo Papa ang mga mag-asawa na higit pang mapalapit kay Hesukristo upang manatili sa kanilang buhay ang biyaya ng sakramento.

“I therefore pray that the couples present will also unite themselves ever more closely to Our Lord so that the grace of the sacrament may continually perfect the natural love of the spouses and strengthen their unity,” ani ng Santo Papa.
Dagdag pa ni Pope Leo, ang biyayang ito ang magbibigay ng lakas sa mga mag-asawa upang maging tapat sa kanilang mga pangako, magpatawaran, at tanggapin ang biyaya ng bagong buhay.
“Providing them the supernatural fortitude needed to live out their vows generously, to forgive one another and to be open to the gift of new life,” dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, sa pamamagitan ng tapat na pag-iibigan ng mga mag-asawa ay magiging mabisang saksi ang mga pamilya sa pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.
“Married couples will become joyful witnesses to the selfless and life-giving love of the Trinity, which leads to the true fulfillment of the human heart,” ani ng Santo Papa.

Sa pagdiriwang ng anibersaryo, nagkaloob si Pope Leo XIV ng kanyang Apostolic Blessing sa lahat ng kasapi at pamilya ng Couples for Christ, kalakip ang panalangin para sa karunungan, kagalakan, at kapayapaan sa Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria at San Jose.

Ang CFC ay itinatag noong 1981 bilang bahagi ng Christian Family Movement ng Ligaya ng Panginoon Community na layuning palalimin ang pananampalataya ng mga mag-asawa at itaguyod ang Kristiyanong pamumuhay ng bawat pamilya.

Noong 2000 ay kinilala ang CFC ng Vatican bilang isang International Private Association of the Faithful, at noong 2005 ay ginawaran ito ng Pontifical Right, na nagpapatibay sa pagkakaisa nito sa misyon ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,584 total reads

 56,584 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,080 total reads

 143,080 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,117 total reads

 186,117 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,876 total reads

 235,876 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,389 total reads

 394,389 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top