Huwag magpadala sa takot, Bishop Pabillo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,824 total reads

Hinimok ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na huwag magpadala sa takot sa gitna ng mga umiiral na krisis sa mundo; bagkus, manalig sa Diyos at maging matapang sa pagtatanggol sa katotohanan.

Sa kanyang pagninilay sa ika-12 Linggo ng Karaniwang Panahon, kinilala ng obispo ang iba’t ibang pangamba na kinakaharap ng mga tao kabilang ang pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, kamatayan, at maging ang posibilidad ng mas malawak na digmaan sa mundo.

“Takot tayo na kahit kailan ay maaaring sumiklab ang World War III dahil sa mga nangyayari ngayon sa Iran at sa Ukraine. Ang dami nating takot. Kaya maganda ang sabi ng Panginoong Jesus ngayong Linggo: “Huwag kayong matakot,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na tatlong beses na inulit ni Hesus sa Ebanghelyo ang paanyayang huwag matakot sapagkat may mapagmahal at makapangyarihang Ama sa langit na nagmamalasakit sa bawat tao.

Binigyang-diin ni Bishop Pabillo na higit na dapat manaig ang pananampalataya kaysa takot dahil batid ng Diyos ang kalagayan ng bawat isa.
“He knows us more than we know ourselves. Hindi lang na alam niya ang kalagayan natin; hindi niya pahihintulutan na mapasama tayo,” dagdag pa ng obispo.

Kasabay nito, iginiit ng obispo na may tamang uri ng takot na dapat taglayin ng tao, partikular ang banal na paggalang at pagsunod sa Diyos.
“Ano ang dapat nating katakutan? Iyan ang katakutan natin: ang Diyos, at hindi ang tao,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Binalaan rin ng obispo ang publiko laban sa paglaganap ng maling impormasyon at kasinungalingan lalo na sa social media.
“Matakot tayong magpakalat ng fake news o gumawa-gawa ng mga kuwento na hindi totoo,” ani ng obispo.

Paalala ng pastol na may pananagutan ang bawat gumagamit ng internet dahil mabilis kumalat at nananatili sa digital space ang anumang inilalathala online, kaya mahalagang maging responsable sa paggamit ng mga teknolohiya at tiyaking naipapahayag ang katotohanan.

Ayon sa obispo, mahalagang gamitin ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at hindi bilang instrumento ng panlilinlang.
“Ang internet ay isang mabisang paraan upang ipakalat ang Magandang Balita at manindigan. Pero ito ay isang paraan din upang ikalat ang kasinungalingan,” aniya.

Sa gitna ng kaguluhan at kawalang-katiyakan sa mundo, hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na maging mapanuri at huwag magpadala sa mga nagtatangkang manakot at manahimik sa iba.
Binigyang-diin ni Bishop Pabillo na ang tunay na lakas ng Kristiyano ay nagmumula sa paggabay ng Espiritu Santo at sa matatag na pananalig sa Diyos.

Inihalintulad ng obispo ang ganitong uri ng pananampalataya sa katatagan ng mga martir at santo ng Simbahan, kabilang sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, na mas piniling maging tapat sa Diyos kaysa magpadala sa takot ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 58,846 total reads

 58,846 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 79,136 total reads

 79,136 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 157,524 total reads

 157,524 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 201,835 total reads

 201,835 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 236,892 total reads

 236,892 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top