Laban ni Bishop Mangalinao, suportado ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,545 total reads

Binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy na hindi dapat ituring na paglabag ang mapayapa at responsableng pagtatanggol sa kalikasan.

Ito ang pahayag ng arsobispo bilang pakikiisa kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanyang adbokasiya para sa kapaligiran.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Archbishop Uy ang kanyang panalangin at suporta para kay Bishop Mangalinao, na matagal nang naninindigan kasama ng mga katutubo, magsasaka, environmental advocates, at mga lokal na komunidad sa pangangalaga ng mga watershed, kagubatan, at iba pang likas na yaman.

Iginiit ng arsobispo na ang paninindigan ng obispo ay hindi bunga ng interes sa pulitika kundi ng kanyang tungkuling pastoral na pangalagaan ang sambayanan at ang sangnilikha ng Diyos.

“As a Church, we believe that caring for creation is not optional. It is part of our responsibility as stewards of the gifts entrusted to us by God. Protecting the environment means protecting communities, livelihoods, and the future of generations yet to come,” pahayag ni Archbishop Uy.

Ayon pa sa arsobispo, bagama’t iginagalang ng Simbahan ang umiiral na batas at ang kasarinlan ng mga hukuman, mahalaga ring igalang ang karapatan ng mga mamamayan at mga lider ng Simbahan na magpahayag ng makatuwirang pangamba sa mga usaping may kinalaman sa kabutihang panlahat.

Binigyang-diin niya na ang pangangalaga sa kalikasan ay bahagi ng pananagutan ng tao bilang katiwala ng mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos at mahalaga sa pangangalaga sa mga pamayanan, kabuhayan, at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“The peaceful and responsible defense of our common home should never be treated as a wrongdoing,” dagdag ng arsobispo.

Pinuri rin ni Archbishop Uy si Bishop Mangalinao dahil sa ipinakitang katapangan, integridad, at katapatan sa Ebanghelyo, na aniya’y sumasalamin sa panawagan ni Pope Francis na pakinggan ang hinaing ng daigdig at ng mahihirap.

Nahaharap si Bishop Mangalinao at iba pang environmental advocates sa mga kasong isinampa kaugnay ng kanilang pagtutol sa exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation sa 4,456-hektaryang lupain sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Patuloy namang lumalawak ang suporta ng iba’t ibang lider ng Simbahang Katolika para sa obispo habang hinihintay ang mga susunod na pagdinig sa kaso.

“In standing with Bishop Elmer, we stand for the dignity of every person, the protection of creation, and the welfare of future generations,” ayon kay Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,194 total reads

 56,194 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,690 total reads

 142,690 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,727 total reads

 185,727 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,486 total reads

 235,486 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,016 total reads

 394,016 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,014 total reads

 192,014 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top