Stella Maris Philippines, nakahandang tumulong sa mga biktima ng lumubog na Vietnamese cargo ship sa WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,927 total reads

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang pagbabantay sa napaulat na insidente ng paglubog ng isang Vietnamese cargo ship sa West Philippine Sea.

Ayon sa Stella Maris, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad at ahensiya ng pamahalaan si Stella Maris Chaplain Fr.Eugene Elvira ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa upang matiyak ang mga impormasyon at agad na maipadala ang kinakailangang tulong sa mga naapektuhan ng insidente.

Gayundin ang panawagan ng Stella Maris sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga biktima, gayundin ang mga tauhan ng pamahalaan at iba pang katuwang sa nagpapatuloy na search and rescue operation para sa mga nawawalang tripulante.

“Stella Maris Philippines through our chaplain Fr. Eugene Elvira, SThD of the Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan, Philippines, is closely monitoring the progress report of the incident involving a Vietnamese cargo ship that sank in the West Philippine Sea. Government operation is ongoing to locate the missing crew. Please offer some prayers for the victims and the government personnel and other partners of the search and rescue operation. Our Lady of Peace and Good Voyage, pray for us!,” ayon sa mensaheng binahagi ng Stella Maris Philippines.

Patuloy ang paghahanap search at rescue team ng Philippine Coast Guard sa mga nawawalang tripulante ng barkong ‘Khoi Nguyen 18’ na lumubog malapit sa Kagitingan Reef noong July 25.

Ayon sa PCG, isinasagawa na ng ‘BRP Malapascua’ ang ikaanim na yugto ng search and rescue operations sa kabila ng katamtaman hanggang maalong kondisyon ng dagat, habang nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Vietnamese Coast Guard at iba pang sasakyang-dagat
upang mapalawak ang operasyon.

Ginagamit nadin ngayon ng PCG ang Optimal Planning System upang mapataas ang posibilidad na matagpuan ang mga nawawalang tripulante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,644 total reads

 48,644 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,145 total reads

 135,145 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,182 total reads

 178,182 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,941 total reads

 227,941 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,973 total reads

 386,973 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top