Hinimok ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mas epektibo at malikhaing paraan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga lungsod na madalas nakararanas ng pag-iisa at pagkawala ng tunay na ugnayan ng tao sa kapwa.
Ito ang inilaang Prayer Intention ng Santo Papa para sa buwan ng Agosto, kung saan binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang pangangailangang makahanap ng mga bagong pamamaraan upang maipahayag ang Mabuting Balita at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya.
“Let us pray that in large cities often marked by anonymity and loneliness we find new ways to proclaim the Gospel, discovering creative paths to build community,” Ayon sa panalangin ni Pope Leo XIV.
Sa pagharap ng maraming lungsod sa mga hamon ng mabilis na urbanisasyon, pag-iisa, at pagkakawatak-watak ng mga komunidad, hinimok ng Santo Papa ang Simbahan na maging malikhain sa pag-abot sa mga taong nangangailangan ng pag-asa, pagmamahal, at malasakit.
Kaakibat ng panalanging ito ang panawagan sa mga Kristiyano na maging mga buhay na saksi ni Kristo sa kanilang mga tahanan, pamayanan, paaralan, at lugar ng trabaho upang higit na maranasan ng bawat isa ang diwa ng pagkakapatiran at pagkakaisa.
Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang Simbahan ay tinatawagan na maging mas malapit sa mga tao at maghanap ng mga bagong paraan upang maipahayag ang Ebanghelyo sa nagbabagong panahon.
Bahagi rin ng panawagan ni Pope Leo XIV ang pagpapaalala na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, pakikipagkapwa, at malikhaing misyon ng ebanghelisasyon, mas maraming tao ang makakaranas ng pagmamahal ng Diyos at magiging bahagi ng isang buhay na pamayanang Kristiyano.
Kasabay ng paggunita ng World Day for Grandparents and the Elderly, ipinaalala ni Pope Leo XIV sa mga kabataan at pamayanan ang kahalagahan ng pagdalaw at pag-aaruga sa mga nakatatanda, lalo na sa mga nalilimutan at nag-iisa
Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino at Vatican correspondent ng Radyo Veritas, binigyan-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng mga nakatatanda sa paghubog ng kasaysayan, lipunan at sa simbahan.
Ipinaalala ni Fr. Gaston ang mensahe ni Pope Leo XIV para sa mga nakatatanda, lalo na sa paggunita sa mga kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal na Birheng Maria at mga lolo’t lola ni Hesus.
Ayon sa pari, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi nakakalimot ang Diyos sa bawat tao, lalo na sa mga matatanda na maaaring makaramdam ng pag-iisa o pagiging hindi na mahalaga sa lipunan.
“Ang Panginoon hindi nakakalimot. Kahit minsan nakakalimutan tayo ng mga tao, ng ating lipunan, ng ating pamilya, ang Panginoon ay hindi nakakalimot sa atin,” bahagi ng pagbabahagi ni Fr. Gaston.
Hinimok naman niya ang mga pamilya na huwag pabayaan ang mga magulang, lolo at lola, dahil ang kanilang buhay at sakripisyo ay malaking biyaya na patuloy na nagbibigay ng gabay sa mga susunod na henerasyon.
“Napakalaking biyaya ang ibinigay ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng ating mga magulang. Kung wala na sila, mula sa langit ay patuloy pa rin ang kanilang pagmamahal at panalangin para sa atin,” ani Fr. Gaston.
Pilipinas, papunta sa aging population
Nagpahayag naman ng pangamba ang pari sa mabilis na pagdami ng populasyon ng mga nakatatanda kasabay ng bumababang bilang ng mga ipinapanganak sa Europa, at maging sa iba pang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Fr. Gaston, mahalagang pag-aralan ng bansa ang mga magiging epekto sa ekonomiya at lipunan ng patuloy na paglaki ng sektor ng mga senior citizen.
Aniya, hindi lamang usapin ng dami ng populasyon ang dapat tingnan, kundi kung paano haharapin ng lipunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng matatanda.
Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na nagbabago na ang larawan ng populasyon ng Pilipinas. Kung noon ay karaniwan ang malalaking pamilya, mas marami na ngayon ang may isa o dalawang anak lamang.
“Dati, kung apat ang anak, maliit na pamilya. Ngayon, kapag apat ang anak, malaking pamilya na iyon,” aniya.
Binanggit din ni Fr. Gaston ang mga pag-aaral ng United Nations at UP Population Institute na nagpapakita ng patuloy na pagtanda ng populasyon, dahilan upang maging mahalagang paghandaan ang epekto nito sa ekonomiya, serbisyong pangkalusugan, at social protection.
Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority at Commission on Population and Development, bumaba na sa humigit-kumulang 1.9 children per woman ang fertility rate ng Pilipinas, mas mababa sa replacement level na 2.1 children per woman, na itinuturing na kinakailangan upang mapanatili ang laki ng populasyon sa paglipas ng panahon.
“Napakaraming bansa ay hindi na makapag-replace ng population. Maraming bansa ay wala nang mga bata. Ibig sabihin, bumaba sila sa replacement level. Kasi sa isang bansa, kailangan mo ng 2.1 children per woman. Bakit 2.1 children? Kasi dalawang parents, mamamatay, papalitan mo yan. And then 0.1, kasi hindi naman lahat ng mga tao na pinapanganak ay nanganganak din. Yung iba baka walang asawa, iba infertile, iba bata pa lang namatay na. Kaya kailangan mo ng 2.1 na anak sa bawat babae. Hindi sa bawat pamilya, kundi bawat babae,” ayon kay Fr. Gaston.
Sa kabila nito, sinabi niyang patuloy pa ring lumalaki ang kabuuang populasyon dahil sa pagdami ng matatanda at mas mahabang haba ng buhay ng mga tao.
“Ngayon, lumalaki pa ang population, hindi dahil sa maraming bata, kundi sa bigat ng population, UP Population Institute noong 2007, may study sila, sabi nila, the fastest growing sector in Philippine society is the elderly. Ang pinakamabilis dumami sa Pilipinas, ang matatanda. 2007 pa po yun. 2007.,” paliwanag niya.
Aniya, maraming mga pamilya sa kasalukuyan ay mayroon na lamang isa hanggang sa dalawang mga anak.
Hamon sa kinabukasan
Ayon kay Fr. Gaston, dapat paghandaan ng bansa ang mga epekto nito sa ekonomiya, kabilang ang pangangalaga sa kalusugan, social protection, at suporta sa mga senior citizen.
“Sana mapag-aralan pa ang consequence sa economy, ano mangyayari pag marami ang matanda,” dagdag pa ng pari.
Giit ng pari, mahalagang magkaroon ng pagtingin sa hinaharap upang matiyak na ang mga matatanda ay hindi magiging pasanin kundi mananatiling mahalagang bahagi ng lipunan.
Iniugnay niya ito sa panawagan ni Pope Leo XIV na ipakita ang pagmamahal at malasakit sa mga nakatatanda.
“Alagaan natin sila dahil darating ang panahon na tayo rin ay tatanda. Parang paying forward ito — kung paano natin inalagaan ang mga bata ngayon, sana sila rin ang mag-alaga sa atin sa hinaharap,” ani Fr. Gaston.
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aktibong tinutugunan ang temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa pagpapatupad ng 85-pesos na wage hike ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, nakikipag-ugnayan na ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) at ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) sa Office of the Solicitor General (OSG) na magsisilbing legal na kinatawan ng mga ahensya sa pagdinig ng kaso.
Ang TRO ay inilabas ng Pasig Regional Trial Court noong July 30 laban sa implementasyon ng NCR Wage Order No.27 na nagtatakda ng 85-pesos dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner.
Nanawagan si Tolentino sa mga manggagawa na maging kalmado at igalang ang T-R-O ng korte na pansamantalang pumipigil sa wage hike.
“Maging kalmado tayo ngayon. Hintayin natin ang magiging resulta ng desisyon ng isang coequal branch. Ginagalang natin ang judiciary. Ginawa natin ito para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino… lahat po ito ay para sa kapakanan ng manggagawa at ng mga employers,” ayon sa mensahe ni Tolentino na pinadala sa Radyo Veritas
Nilinaw naman ni Secretary Tolentino na hindi na kailangang isauli ng mga manggagawang nakatanggap na ng dagdag-sahod ang kanilang wage adjustment dahil mayroon na silang vested right sa natanggap na halaga.
Iginiit din ng Kalihim na hindi maaaring bawiin ng mga employer ang naturang dagdag o kaltasin ito sa mga susunod na payroll habang nakabinbin ang usapin sa korte.
Samantala, tiniyak ni DOLE-NCR Regional Director at RTWPB-NCR Chairperson Atty. Sarah Buen Mirasol na dumaan sa wastong proseso ang wage board sa pagbalangkas ng wage order at kumpiyansa silang maipagtatanggol ang legalidad nito.
Umapela pa ang kalihim ng kahinahunan sa lahat ng panig habang hinihintay ang magiging pasya ng hudikatura, kasabay ng pagtiyak na patuloy na ipaglalaban ng DOLE ang kapakanan ng mga manggagawa at employer alinsunod sa umiiral na batas sa paggawa at sa ilalim ng tripartite wage-setting mechanism na itinatadhana ng Wage Rationalization Act.
Bagamat kinikilala ng Labor Sector at mga Church Based Labor Groups na katulad ng Church People Workers Solidarity at Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang wage hike, nanatiling dismayado ang grupo dahil napakalayo nito sa isinusulong na dapat sana’y 1,300-pesos daily minimum wage sa lahat ng manggagawa sa buong Pilipinas.
Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz ang mga paaralang Katoliko na maging “bagong mapa ng pag-asa” para sa kabataan sa gitna ng mabilis na pagbabago at mga hamon ng makabagong lipunan.
Sa kanyang pagninilay sa CEAP-NCR General Assembly 2026 na may temang “Transforming Catholic Schools into New Maps of Hope,” pinaalalahanan ng Obispo ang mga katolikong paaralan na magsilbing mapagkakatiwalaang gabay upang matulungan ang mga kabataan na mahanap ang tamang direksyon sa buhay.
Ayon kay Bishop Santos, nangangailangan ang mga kabataan ng tagapagturo na mag-aakay sa kanila hindi lamang sa kaalaman kundi maging sa pagtuklas ng layunin at panawagan ng Diyos.
“It is a deep joy to stand before you today for the 2026 General Assembly of the Catholic Educational Association of the Philippines–NCR. Every time I gather with educators, I feel a renewed sense of hope. You are the ones who meet our young people every day. You are the ones who listen to their stories, see their struggles, celebrate their victories, and accompany them through the confusing terrain of growing up in today’s world,” ayon sa pagninilay ni Bishop Santos para sa CEAP General Assembly.
Binigyang-diin ng Obispo ang tatlong pangunahing tungkulin ng mga paaralang Katoliko bilang pamayanang bukas sa lahat, daluyan ng karunungan at maging mensahe ng pag-asa.
Ipinaliwanag niya na ang tunay na edukasyong Katoliko ay hindi lamang naghahanda ng mga mag-aaral para sa trabaho, kundi humuhubog rin ng mga disipulong may pananampalataya, mabuting asal, at kakayahang mamuhay nang may katotohanan, malasakit, at integridad.
Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa dedikasyon ng mga guro, administrador, at kawani ng mga paaralang Katoliko sa patuloy na pagtupad sa kanilang bokasyon.
“Our young people are surrounded by many voices, many directions, and many promises. More than ever, they need guides who can help them discover not only where they are, but where God is calling them to go. Our theme this year — “Transforming Catholic Schools into New Maps of Hope” — is not just timely. It is prophetic. Because if there is anything our young people are searching for today, it is direction,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mga kabataan, mananampalataya, mga katolikong paaralan at institusyon na ipagpatuloy ang pagbuo ng mga pamayanang mapagkalinga, pagpapalaganap ng karunungan at pagiging mga saksi ng pag-asa, upang higit pang maipadama sa bawat kabataan na si Kristo ang Daan, Katotohanan, at Buhay, na siyang tunay na pinagmumulan ng pag-asa.
84,817 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50
124,120 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan
157,598 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte
272,938 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa
296,913 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS
832 total views Nagbabala ang University of Santo Tomas-Legazpi (UST-Legazpi) sa kanilang komunidad at sa publiko kaugnay ng isang hindi awtorisadong indibidwal na gumagamit sa pangalan
1,300 total views Iginiit ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ang tunay na sukatan ng pag-unlad ng bansa ay hindi lamang nakikita sa
17,651 total views Nagpahayag ng suporta si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagsusulong ng House Bill No. 9603 o ang proposed Smoke-Free and Vape-Free Environment
6,015 total views Hinikayat ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Mel Sarmiento ang publiko na makiisa bilang mga volunteer ng Parish Pastoral Council