Pagkakaisa ng LGUs at mamamayan ng Romblon laban sa mining operation ng AMPC, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 151,469 total reads

Binigyang-diin ni Rodne Galicha, chairperson ng Bayay Sibuyanon at executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan at mga halal na kinatawan sa pagsusulong ng kabutihang panlahat at pangangalaga sa kalikasan.

Inihayag ito ni Galicha matapos bawiin ng Sangguniang Bayan ng San Fernando, Romblon ang naunang endorsement sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa planong pagmimina sa Barangay España, kasunod ng patuloy na usapin hinggil sa pangangalaga sa isla ng Sibuyan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang environmental advocate sa mga Sangguniang Barangay, Sangguniang Bayan, at Sangguniang Panlalawigan ng Romblon dahil sa kanilang pakikinig, pagsusuri, at pagtupad sa kanilang mandato para sa kapakanan ng mamamayan at kalikasan.

“Ngayong araw ay isang paalala na kapag nagkakaisa ang mamamayan at ang kanilang mga halal na kinatawan, may kakayahan tayong itaguyod ang kabutihang panlahat,” pahayag ni Galicha.

Ayon kay Galicha, ipinapakita ng mga naging desisyon ng mga lokal na lider sa Romblon na ang mabuting pamamahala ay nakabatay sa pananagutan, paggalang sa batas, at malasakit sa mga susunod na henerasyon.

Kasabay nito, nanawagan si Galicha sa mamamayan na manatiling mahinahon at ipagpatuloy ang mapayapang pagkilos, panalangin, diyalogo, at sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

“Ang ating lakas ay hindi nasusukat sa galit kundi sa katatagan ng ating paninindigan. Ipagpatuloy natin ang mapayapang pagkilos, ang panalangin, ang pag-uusap, at ang sama-samang pagkilos para sa ating nag-iisang tahanan,” saad ni Galicha.

Binigyang-diin din ng environmental advocate na hindi sapat ang pagtutol lamang sa mga proyektong maaaring makaapekto sa kapaligiran, kundi mahalaga ring maisulong ang mga alternatibong paraan ng pag-unlad na nagbibigay-proteksyon sa kalikasan at lumilikha ng kabuhayan.

Kabilang dito ang ecotourism, sustainable agriculture at fisheries, forest restoration, renewable energy, at iba pang inisyatibang nagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran para sa mga pamayanan.

Nanawagan din si Galicha sa mga pambansang ahensya ng pamahalaan na higit pang pagtibayin ang kanilang pagtutulungan upang maisulong ang isang uri ng kaunlarang makatarungan, matatag, at kapaki-pakinabang para sa tao at kalikasan.

“Ang kalikasan ang ating pinakamahalagang puhunan—at kapag ito ay ating iningatan, ito rin ang patuloy na mag-aalaga sa atin,” ayon kay Galicha.

Nauna nang nagbigay ng endorsement ang Sangguniang Bayan ng San Fernando sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa planong pagmimina sa Barangay España bago ito bawiin sa pamamagitan ng recall resolution na inaprubahan sa botong 4-2 nitong August 3, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 162,588 total reads

 162,588 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 192,957 total reads

 192,957 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 227,081 total reads

 227,081 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 283,487 total reads

 283,487 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,442 total reads

 182,442 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top