Maging daan ng pagbubuklod, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,457 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga mananampalataya na maging mga daan ng pagkakasundo at pagbubuklod sa harap ng lumalalim na pagkakahati-hati at umiigting na hidwaan sa lipunan.

Sa kanyang video message sa ika-144 na Supreme Convention ng Knights of Columbus na isinasagawa sa Denver, Colorado, sinabi ng Santo Papa na higit na kinakailangan sa pamayanan ang mga Kristiyanong nagsusulong ng pagkakaisa sa halip na pagkakahati.

“In an age all too often marked by division and pointed rhetoric, there is a great need for prophets of harmony who seek to build bridges and strive to reconcile opposing positions wherever possible,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang pagkakaisa ay isang biyayang dapat patuloy na pangalagaan sa pamamagitan ng tapat at mapagpakumbabang pakikipagdayalogo upang mapanatili itong umiiral sa lipunan.

“The preservation of unity is often not easy, and it cannot be taken for granted. It must be actively cultivated through honest and humble dialogue,” aniya.

Hinikayat ng Santo Papa ang Knights of Columbus na ipamalas ang pagkakaisang ninanais ni Hesus sa kanilang mga pamilya, parokya at mga pamayanang kanilang pinaglilingkuran sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Kasabay nito, iginiit ni Pope Leo na ang pagkakawanggawa ay hindi lamang pagtugon sa pagdurusa ng kapwa kundi isang makapangyarihang paraan upang mapalalim ang pagkakapatiran at mapatatag ang pagkakaisa ng Simbahan.

“Charity becomes not only a response to human suffering but also a powerful means of fostering fraternity and strengthening the communion that is at the heart of the Christian life,” giit ni Pope Leo XIV.

Pinuri rin ng punong pastol ang mahigit isang siglong paglilingkod ng Knights of Columbus sa pagtatanggol sa buhay ng mga hindi pa isinisilang, pagtulong sa mga nagdadalantao, mga Kristiyanong inuusig, mga biktima ng digmaan at human trafficking, gayundin sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Inihayag ni Pope Leo XIV ang kanyang pasasalamat sa patuloy na misyong kawanggawa ng samahan.

“I express deep gratitude for your Order’s continued generosity to the less fortunate, and trust that your endeavors will continue to bear fruit for many years to come,” dagdag ng Santo Papa.

Isinasagawa ang ika-144 na Supreme Convention ng K of C mula August 4 hanggang 6 sa Denver, Colorado, sa temang “In The One, We Are One,” na nakatuon sa pagsusulong ng pagkakaisa, pagkakapatiran, at paglilingkod sa Simbahan at sa mga nangangailangan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 17,062 total reads

 17,062 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 30,694 total reads

 30,694 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 80,446 total reads

 80,446 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 239,639 total reads

 239,639 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 266,800 total reads

 266,800 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 299,638 total reads

 299,638 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top