ATM, nagbabala sa isinusulong na open-pit gold at copper mining project sa Davao de Oro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 154,008 total reads

Nagbabala ang Alyansa Tigil Mina (ATM) laban sa isinusulong na open-pit gold and copper mining project ng Kingking Mining Corporation (KMC) sa Davao de Oro, dahil sa posibleng conflict of interest bunsod ng paglahok ng pamilyang Villar sa proyekto.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, maaaring maapektuhan ang pananagutan at pagsusuri sa posibleng epekto ng pagmimina dahil sa malawak na impluwensiyang pampulitika at pang-ekonomiya ng pamilyang Villar.

“The Villar’s 40 percent stake in the Kingking project and their deeply entrenched political power is a clear conflict of interest,” pahayag ni Garganera.

Sinabi ni Garganera na nakababahala ang posibilidad na hindi mabigyang-pansin ang anumang paglabag o negatibong epekto ng operasyon ng kumpanya dahil sa kapangyarihang hawak ng pamilya.

Binigyang-diin din ng grupo na ang paggamit ng open-pit mining method ay maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa kapaligiran, kabilang ang pagkawala ng tirahan ng mga hayop, kontaminasyon ng tubig, at pagdami ng basurang pagmimina.

Iginiit ni Garganera, dapat manaig ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad kaysa sa interes sa kita.

Dagdag pa niya, maaaring magamit ang impluwensiyang pampulitika ng pamilya upang isulong ang mga patakarang pabor sa pagmimina na maaaring makaapekto sa kalikasan at karapatan ng mga mamamayan.

“We seriously doubt that the Villar family would prioritize environmental protection and community welfare over profits. Furthermore, the political positions of the Villar clan allow them to direct policies that would advance their mining interests at the expense of the environment and human rights,” ayon kay Garganera.

Ang pahayag ng ATM ay kasunod ng mga ulat na maglalaan ang KMC ng ₱307.8 billion para sa pagpapalawak ng Kingking project.

Nanawagan ang grupo sa publiko na manatiling mapagmatyag sa mga susunod na hakbang ng proyekto at suportahan ang mga komunidad na posibleng maapektuhan ng operasyon ng pagmimina.

Sang-ayon naman sa Laudato Si’ ni Pope Francis, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 14,551 total reads

 14,551 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 26,599 total reads

 26,599 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 76,351 total reads

 76,351 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 235,544 total reads

 235,544 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 262,705 total reads

 262,705 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 295,721 total reads

 295,721 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 185,580 total reads

 185,580 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top