Flood control projects ng Quezon City, nakatulong ng malaki sa pagbawas sa epekto ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,015 total reads

Naniniwala ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office nakatulong ang mga flood mitigation projects ng Quezon City sa pagbawas ng malalang epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni QCDRRMO Spokesperson Peachy de Leon na bagama’t maraming lugar ang binaha, subsided na ang lahat ng naiulat na pagbaha sa mga kalsada at lansangan sa lungsod bagamat marami pa ring residente ang nananatili sa evacuation centers.

Ayon kay De Leon, umabot sa 201.7 millimeters ang naitalang ulan sa Science Garden mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, o sa loob lamang ng limang oras kahapon.

Pagbabahagi ni De Leon, kabilang sa mga hakbang ng lungsod ang pagsasagawa ng mga detention basin, retention pond, flood interceptors, stormwater storage system, dredging at pumping stations.

“Kahit naman po mayroon tayong mga flood mitigation projects, hindi naman po ito totally mawawala ang pagbaha. Somehow po mababawasan po ang severity and frequency po ng pagbaha sa mga areas na vulnerable po na communities. At patuloy na rin naman po na ginagawa ng buong QC government ang mga flood mitigation projects para po makatulong at maibsan ang pagtaas ng tubig baha.” Bahagi ng pahayag ni De Leon sa Radyo Veritas.

Inihayag din ni De Leon ang isinasagawang ongoing na detention basin sa G. Araneta Avenue na maaaring mag-imbak ng hanggang 2,000 cubic meters ng tubig-baha bago ito unti-unting ilabas sa mga waterways kapag humupa na ang ulan.
Patuloy din aniya ang “Tanggal-Bara, Iwas-Baha” program ng Quezon City, kabilang ang clearing, dredging at declogging ng mga waterways upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig.

Sa bahagi ng Simbahan, ang paghahanda at pangangalaga sa mga komunidad na nasa panganib ay bahagi ng pananagutan sa buhay at kabutihang panlahat kung saan higit sa imprastraktura, mahalaga rin ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maprotektahan ang bawat buhay, lalo na ang mga pamilyang higit na bulnerable sa panahon ng kalamidad.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 3,013 total reads

 3,013 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 21,306 total reads

 21,306 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 81,804 total reads

 81,804 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 102,905 total reads

 102,905 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 183,560 total reads

 183,560 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 284,160 total reads

 284,160 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top