Simbahan, hinimok ng Obispo na ipagpatuloy ang pakikilahok at pakikinig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,044 total reads

Hinimok ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang Simbahang Katolika na ipagpatuloy ang diwa ng pakikinig at pakikilahok na bunga ng Synod on Synodality.

Ito ang mensahe ng obispo matapos niyang ilunsad ang kanyang aklat na Spirituality of Synodality: A Compilation of Talks on Synodality sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong September 11.

Ayon kay Bishop Vergara, malinaw sa mga karanasan sa isinagawang diocesan consultation na sabik ang mga mananampalataya na magkaroon ng mas malawak at tuloy-tuloy na pagkakataong makilahok sa buhay ng Simbahan.

“Magugulat ka, parang nandoon ‘yung eagerness nila to participate. At isa nga sa mga testimonies nila sa aming diocese is, ‘Puwede kaya na gawin ‘to taon-taon?’” pagbabahagi ni Bishop Vergara sa Radyo Veritas.

Sinabi ng obispo na nilalaman ng aklat ang serye ng kanyang mga pagninilay at mga panayam bago, habang, at matapos ang celebration phase ng Synod on Synodality, kabilang ang kanyang karanasan bilang delegado ng Simbahan ng Pilipinas sa Synod of Bishops sa Roma.

Aniya, pinili niyang tawaging Spirituality of Synodality ang aklat dahil nakaugat ang mga nilalaman nito sa mga konkretong karanasan at testimonya ng mga nasa iba’t ibang antas ng Simbahan.

“Makikita mo ‘yung evolution niya, kaya ko in-entitle na ‘Spirituality of Synodality, kasi ‘yung mga naisulat ko diyan, may mga concrete experiences,” dagdag ng obispo.

Kabilang sa mga paksa ng aklat ang synodal leadership para sa mga pari, pagiging “pilgrim priests of hope,” synodality sa Catholic schools, at transparency at accountability sa pamamahala ng mga resources ng mga diyosesis.

Binigyang-diin ni Bishop Vergara na mahalagang pakinggan ang mga karanasan ng mga nasa grassroots at mga nasa laylayan upang higit na maunawaan ng Simbahan ang mga hamong kinakaharap nito.

Samantala, sinabi ni CBCP President, Lipat Archbishop Gilbert Garcera, na ang synodality ay hindi lamang isang paraan ng pastoral na pagpaplano kundi isang mahalagang paraan ng pamumuhay ng Simbahan.

“Synodality is not merely a pastoral program or ecclesial method; it is a spirituality of listening,” mensahe ni Archbishop Garcera sa isinagawang book launching.

Ayon sa arsobispo, inaanyayahan ng Synod on Synodality ang Simbahan na muling tuklasin ang kanyang pagkakakilanlan bilang bayan ng Diyos na sama-samang naglalakbay sa patnubay ng Espiritu Santo.

Binigyang-diin ng CBCP president na makatutulong ang aklat ni Bishop Vergara upang maisabuhay ang isang Simbahang marunong makinig, tumanggap, maglingkod at sama-samang maglakbay, lalo na sa pakikinig sa tinig ng mga nasa laylayan.

Inilarawan ni Archbishop Garcera ang aklat bilang mahalagang sanggunian para sa mga obispo, pari, relihiyoso, lay leaders, educators at iba pang nagnanais na higit na maunawaan ang synodality bilang paraan ng pagiging Simbahan.

Ang Spirituality of Synodality ay inilathala ng Claretian Publications.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 33,175 total reads

 33,175 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 80,742 total reads

 80,742 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 102,944 total reads

 102,944 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 139,438 total reads

 139,438 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 358,479 total reads

 358,479 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top