SALN, tinutukan sa day 25 ng impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,797 total reads

Tinututukan ng House prosecution ang mga sariling SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Vice President Sara Duterte upang patunayan ang hindi pagkakatugma sa kanyang cash declarations at ang patuloy na paghawak sa mga business interests habang nagsisilbing bise presidente.

Sa ika-25 araw ng impeachment hearing sa Senado, iniharap ng prosekusyon ang 10 layunin sa testimonya ni Atty. Karen Batu ng Official Records Division ng Office of the Ombudsman na siyang may hawak ng mga SALN.

Kabilang sa mga dokumentong nais ipakita ng prosekusyon ang mga SALN ni Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025.

Ayon sa prosekusyon, tumaas ang kanilang idineklarang net worth mula ₱7.25 milyon noong 2007, naging ₱65.3 milyon noong 2021, at umabot sa ₱98.6 milyon noong 2025.

Sinuri rin ng prosekusyon ang mga SALN ni Duterte mula 2019 hanggang 2025 kung saan, ayon sa pagsusuri, walang idineklarang cash on hand o cash in bank, matapos siyang magdeklara ng cash sa mga naunang SALN.

Tinitingnan din ng prosekusyon ang sinasabing kawalan ng deklarasyon ng foreign currency deposits, kabilang ang US dollars, Chinese RMB at iba pang foreign currencies.

Bukod dito, sinuri rin ang mga business at financial interests na nakalista sa kanyang mga SALN, kabilang ang mga interes sa Metro City Chow Foods Corporation at GenCorp Industries Inc.

Iginiit ng prosekusyon na maaaring patunayan ng mga dokumento na nagpatuloy si Duterte sa paghawak ng business at financial interests matapos siyang maging bise presidente, sa halip na i-divest ang mga ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,102 total reads

 56,102 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,465 total reads

 94,465 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,593 total reads

 128,593 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 184,999 total reads

 184,999 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top