Ituon ang pananampalataya sa pag-asa at hindi sa pagdurusa, panawagan ng Pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,763 total reads

Hinikayat ni Msgr. Claro Caluya III, diocesan administrator ng Diocese of Masbate, ang mga mananampalataya na huwag manatili sa pagninilay sa mga pagdurusa, kundi ituon ang pananampalataya sa pag-asang dulot ng pangako ng Panginoon.

Sa kanyang homiliya sa diocesan Mass sa Naga Metropolitan Cathedral nitong ikawalong araw ng nobena para sa kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia, binigyang-diin ng pari na ang mga pagsubok sa buhay ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang naghihintay sa mga nananatili sa Diyos.

“The sufferings in this world cannot be compared to the glory that is to come. The sufferings in this world cannot be compared to the glory waiting for us,” ayon kay Msgr. Caluya.

Iniuugnay ni Msgr. Caluya ang mensahe sa buhay ng Mahal na Birheng Maria na nakaranas ng matinding dalamhati, ngunit natagpuan ang kagalakan sa katuparan ng pangako ng Diyos, lalo na sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Aniya, sa halip na pagtuunan lamang ng pansin ang pitong dalamhati ni Maria, mahalagang makita rin ang mga sandali ng kanyang kagalakan mula sa pagtanggap sa balita na siya ang magiging Ina ng Diyos hanggang sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.

“That sorrow turned into joy when she, together with the other disciples, saw that her son, after being buried, rose again. Rose again from death, destroying death forever,” paliwanag ng pari.

Binigyang-diin din ng pari na hindi nag-iisa ang mga Kristiyano sa kanilang pagharap sa mga pagsubok, sapagkat patuloy na nakikilakbay at namamagitan ang Mahal na Birhen.

“We really are not alone, because our Blessed Mother, our Ina, is there. Praying for us, interceding for us,” ayon pa kay Msgr. Caluya.

Hinimok ng pari ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na panghawakan ang pangako ni Hesus ng buhay na walang hanggan at huwag matakot harapin ang anumang pagsubok, kabilang ang kamatayan.

Samantala, sinariwa rin ni Msgr. Caluya ang makasaysayang ugnayan ng Diocese of Masbate at ng Archdiocese of Caceres, na maituturing na “grandchild of Caceres.”

Noong Marso 1968, itinatag ang Diocese of Masbate, na unang naging bahagi ng Diocese of Sorsogon nang itinatag ito noong 1951, kasabay ng pagtataas sa Caceres bilang arkidiyosesis.

Dinaluhan ng mga pari at mananampalataya ng Masbate ang diocesan mass na nagbibigay-parangal sa Birhen ng Peñafrancia, patrona ng Bicolandia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 183,653 total reads

 183,653 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 212,433 total reads

 212,433 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 246,555 total reads

 246,554 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,960 total reads

 302,959 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top