Military Ordinariate sa mananampalataya at uniformed personnel, tularan ang Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,865 total reads

Hinimok ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga mananampalataya, lalo na ang mga uniformed personnel ng iba’t ibang sangay ng security services, na tularan ang pasasalamat, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa kapwa na ipinakita ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang pagtugon sa kalooban ng Diyos.

Sa kanyang homiliya sa diocesan Mass ng Military Ordinariate of the Philippines para sa ikawalong araw ng misa nobenaryo sa karangalan ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Naga Metropolitan Cathedral, sinabi ng obispo na si Maria ay tunay na huwaran ng isang pusong kumikilala sa Diyos, mapagpakumbabang tumatanggap sa Kanyang kalooban, at handang maglingkod sa kapwa.

Binigyang-diin ng pastol na tulad ni Maria na buong pagpapakumbaba na tumugon sa tawag ng Diyos, dapat ding tanggapin ng uniformed personnel ang kanilang tungkulin na may kababaang-loob at buong katapatan.

“You are called to be at the service of our country, to be at the service of our people. And we, I believe, that we should start with this nothingness, with this humility, because it’s there that we are ready to accept divine help,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Florencio.

Ayon sa obispo, ipinamalas ni Maria ang tunay na kababaang-loob nang tanggapin niya ang kanyang misyon bilang lingkod ng Panginoon, sa kabila ng kanyang hindi pagiging karapat-dapat.
Aniya, mahalaga ang ganitong pagpapakumbaba sa mga naglilingkod sa bayan dahil ang posisyon, ranggo at kakayahan ay mga kaloob ng Diyos at hindi dapat maging dahilan upang ipagmalaki ang sarili.

Binigyang-diin din ni Bishop Florencio ang pagiging mapagpasalamat ni Maria, lalo na sa pagkilala niya sa kabutihan ng Diyos.

Aniya, ang bawat biyaya sa buhay—kabilang ang pamilya, tungkulin at pagkakataong maglingkod—ay dapat maging dahilan upang patuloy na magpasalamat sa Panginoon.

Iniugnay ng obispo ang pagiging mapagmahal ni Maria sa tungkulin ng bawat Kristiyano na ibahagi sa iba ang mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

Aniya, ang tunay na kawanggawa ay hindi lamang sinasabi kundi isinasagawa sa konkretong pagtulong, pagbabahagi at paglilingkod sa kapwa.

Iginiit ng military bishop na ang pagiging Ina ni Maria, na patuloy na namamagitan para sa kanyang mga anak ay isang halimbawa ng mapagkalingang pagmamahal na dapat maranasan ng mga kawal at kanilang pamilya mula sa Simbahan.

“Do not worry, I am praying for you, for your dependents,” ayon pa kay Bishop Florencio.

Tiniyak ng obispo sa lahat ng sangay ng Sandatahang Lakas ng bansa ang kanyang patuloy na paggabay at pakikilakbay, lalo na sa diwa ng paghubog ng espiritwalidad, katuwang ng mga itinalagang chaplains ng bawat sangay.

Natatangi rin ang pagbubuklod ng Military Ordinariate sa pagbibigay-parangal sa patrona ng Bicolandia ngayong taon dahil ipinagdiriwang nito ang ika-40 anibersaryo ng pagkatatag ng Military Ordinariate of the Philippines kung saan ang bawat dumalo sa misa ay makatatanggap din ng plenary indulgence alinsunod sa mga itinakdang panuntunan ng simbahan sa pagtanggap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 121,590 total reads

 121,590 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 165,488 total reads

 165,488 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 215,242 total reads

 215,242 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 374,438 total reads

 374,438 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 396,038 total reads

 396,038 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top