Tapat na 2016 elections, inaasahan sa pagbibigay ng voters receipt

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total views

Naaayon sa batas ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pag-imprenta ng voters receipt sa darating na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2016.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Alex Lacson – Lead Convenor of Pilipino Movement of Transformational Leadership, matapos na maging taliwas sa una nang desisyon ng Commission on Election ang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa nakatakdang halalan.

“It’s really very good that the Supreme Court acted on this and they are really want to bear it in mind that’s why the decision is 14-0, number 1 it is really required under the law required under the Automation Law na mag-issue ng voter receipt ang COMELEC”. pahayag ni Lacson sa Radio Veritas

Inihayag ni Lacson na dalawang usapin at suliranin tuwing halalan ang matutukan at mabantayan dahil sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema.

Iginiit ni Lacson na dahil sa kautusan ng Korte Suprema ay mas makatitiyak ang bawat mamamayan sa pagkakaroon ng tapat na halalan lalo’t mapipigilan rin nito ang malawakang pandaraya sa kabuuang sistema ng makinaryang gagamitin sa darating na halalang pambansa.

“There are really two major victories sa desisyon na yan ng Supreme Court, number 1 it really solves the problem of transparency which is a constitutional requirement and number 2 it prevents whole sale raging and cheating of the system by Hocus Pocus, so essentially that..” dagdag pa ni Atty. Lacson

Aminado naman si Lacson na maari namang mas maging talamak ang tingi-tinging pandaraya ng mga kandidato sa pamamagitan ng pagbili sa boto ng bawat botante o Vote Buying at Vote Selling dahil sa magiging mahirap ang pagmamanipula sa gagamitin makinarya.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS sa pagtatapos ng 2015, nananatiling 50-posyento o katumbas ng 11.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap na kadalasang biktima ng vote buying at vote selling tuwing halalan.

Samantala, batay sa itinakda ng Republic Act (RA) 9-3-9 o Automated Election Law nararapat na magkaroon ng safety features ang balota at ang makinaryang gagamitin sa Automated Election partikular na ang ballot verification o ultra violet detectors, source code review, voter verified paper audit trail at digital signature ng sinumang mangangasiwa sa halalan.

Matatandaang una nang nakapagtala ng 2.3 percent Discrepancy sa Accuracy ng PCOS Machine na ginamit noong nakaraang eleksyon.

Bukod dito, nananawagan rin ang Simbahan na mas nararapat gawin at gamitin ng COMELEC ang kanilang malawak na makinarya upang puspusang gampanan ang kanilang mandato sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan batay na rin sa Republic Act No. 7-1-6-6.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,837 total views

 56,837 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,706 total views

 52,706 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,908 total views

 88,908 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,304 total views

 97,304 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,886 total views

 121,886 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top