Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COMELEC, tinitiyak na makakaboto ang lahat ng Overseas Filipino Workers

SHARE THE TRUTH

 287 total views

Tinitiyak ng Commission on Elections o COMELEC na maging matagumpay at tumaas ang voters turn-out sa nakatakdang Overseas Absentee Voting sa ika-9 ng Abril, 2016.

Iginiit ni COMELEC Commissioner Luie Tito Guia na tungkulin ng kumisyon na makakaboto ang lahat ng kuwalipikadong botante nasaang mang panig ng mundo.

Itinuturing din ni Guia na magandang implikasyon ng mas malawak na interes at pakikilahok ng bawat Filipino ang 100-porsiyentong pagtaas sa bilang ng OFW registered voters para sa nakatakdang halalan.

Inihayag ng COMELEC na may 30 Philippine Embassies sa iba’t-ibang bansa ang pagdaraosan ng Absentee Voting ng tinatayang 1.37-milyon na OFW Registered Voters.

Sinasabi ng COMELEC na aabutin ng 20-minuto ang bawat botante bago makumpleto ang isang balota.

Sa datos ng kumisyon, noong 2010 ay umabot lamang sa 25.99-percent ang Overseas voter turnout kung saan mahigit sa 150-libong OFW lamang ang bumoto mula sa mahigit 580-libong overseas registered voters.

Samantala, naninindigan naman ang CBCP na ang pagboto ay isang natatanging kapangyarihan ng bawat mamamayan at isa ring pangunahing daan sa pagkamit ng tunay na demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 30,711 total views

 30,711 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 41,875 total views

 41,875 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 78,019 total views

 78,019 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 95,821 total views

 95,821 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567