Performance bonus sa SSS executives, ‘no way’ dahil sa palpak na serbisyo – obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total views

Kinuwestyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang panawagan ng mga top officials ng Social Security System sa kanilang Performance – Based Bonus mula sa programa ng Governance Commission for Government-owned and Controlled Corporations.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, hindi naaayon na bigyan ng performance bonus ang ilang malalaking opisyal ng SSS dahil sa bagsak at palpak nilang serbisyo sa halos 32.9 na milyon nitong miyembro.

Iginiit pa ni Bishop Pabillo kinakailangan na bigyang prayoridad ng SSS ang sapat na benepisyo para sa halos 173,000 miyembro nito mula sa informal settlers kumpara sa mahigit 10 milyong napapabilang sa informal sectors o underground economy.

“Dapat uunahin natin yung mga maliliit na tao na yung ating mga pensioners ang ating mga manggagawa kaysa itong mga nasa management na hindi natin alam kung anong performance ang kanilang nagawa. Unahin dapat natin kung nagbibigay sila dapat ibigay sa mga tao na talagang nagko – contribute doon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Nanawagan rin ang obispo sa ilang mga mambabatas na i–override ang nauna ng vineto ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Enero 2016 sa House Bill 5842 o ang P2,000 across-the-board na dagdag sa buwanang pensyon ng mga pensyonadong karamihan ay mga senior citizen.

“Patuloy ang panawagan natin sa P2K increase at hindi lang nga dapat taas – taasan pa ang increase ng mga pensioners natin,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nabatid na mula sa datos ng SSS nasa 4 na milyon lamang ang naidagdag sa mga miyembro nito mula taong 2010 hanggang 2015.

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis na kinakailangan pahalagahan ng lipunan ang mga matatanda at hindi dapat ina – abanduna sapagkat sila ang kayamanan ng kasaysayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 32,472 total views

 32,472 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 38,601 total views

 38,601 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 68,743 total views

 68,743 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 88,740 total views

 88,740 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 108,431 total views

 108,431 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 69,433 total views

 69,433 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 265,229 total views

 265,229 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top