Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa at pagtulong sa mahihirap, ang misyon ko – Bishop Macaraeg

SHARE THE TRUTH

 546 total views

Pagkakaisa at pagtulong sa mahihirap.

Maliban sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita, ito rin ang misyon ni Bishop Enrique Macaraeg, ang bagong obispo ng Diocese of Tarlac na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Bishop Macaraeg paiigtingin din niya ang ibat –ibang formation program sa pamilya, kabataan at kaparian para sa kanilang spiritual renewal kasama na dito ang pagbibigay pansin sa mahihirap.

“Yung mga programa sa mga family, formation, youth formations, kaparian ang kanilang spiritual renewal at yung pagbibigay pansin sa mahihirap at sa kabatan dahil sila ang leaders ng ating simbahan later on sana mabigyan sila ng mission formation at yan ang aking tututukan.” Pahayag ni Bishop Macaraeg.

Labis pa rin ang papasalamat ni Bishop Enrique Macaraeg sa paghirang sa kanya ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong obispo ng Diocese of Tarlac.

“Malaking karangalan para sa akin sa pagkahirang na obispo ng Tarlac, sana yung magawa matupad ko ang misyon na ibinigay sa atin ng Mahal na Santo Papa lalo na ngayong Year of Mercy na mabigyan ng pansin ang mga mahirap matupad na tayo ay maging maawain, merciful like our Lord. Mahalaga ang tungkulin ng obispo sa isang diocese siya ang mamumuno at mag guide kung anong direksyon ang kakaharapin.” Ayon kay Bishop Macaraeg

Nagagalak din si Bishop Macaraeg sa Santo Papa dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito lalo na at hindi madali ang pamunuan ang isang diocese.

Umaasa naman ang obispo na magiging matagumpay ang kanyang pamamahala sa diocese sa tulong na rin ng mga layko, ng buong kaparian at ng mamamayan.

“Ako po ay nagagalak at nagpapasalamat sa pagpili ni Pope Francis na ako ay maging bishop ng Tarlac, sana maging successful ang Episcopal ministry sa diocese ng Tarlac, sa tulong na rin ng mga kaparian, faithful ay magkaisa isa kami na matupad ang misyon na ipalaganap ang ebanghelisasyon.” Ayon kay Bishop Macaraeg sa panayam ng Radypo Veritas.

Nito lamang nagdaang Mayo -24, ang ordinasyon ni Bishop Macaraeg at ngayong araw ang kanyang instalasyon sa pangunguna ng Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto.

Si Bishop Macaraeg ang dating vicar-general ng archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Nasa mahigit 90 na ang obispo ng Simbahang Katolika sa bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 76,522 total views

 76,522 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 84,297 total views

 84,297 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 92,477 total views

 92,477 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 108,050 total views

 108,050 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 111,993 total views

 111,993 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,409 total views

 14,409 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 97,964 total views

 97,964 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,699 total views

 89,699 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top