Sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas: Ipagpasalamat ang biyaya ng Pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 890 total reads

Mahalagang ipagpasalamat ng bawat isa ang biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Panginoon sa tao.

Ito ang pahayag ni San Jose Bishop Roberto Mallari kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-5 sentenaryo ng Katolisismo sa Pilipinas sa 2021.

Ayon sa obispo, magandang pagkakataon na pinagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang ‘Taon ng mga Kabataan’ bilang pagbibigay halaga sa gampanin ng kanilang sektor sa pamayanan.

“Napakahalagang bagay na kilalanin natin ngayon yung biyaya gaya ng pananampalataya na tinatanggap natin,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sa tema ng Year of the Youth na ‘Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered’ hinimok ng Simbahang Katolika ang mga kabataan na maging aktibong kasapi sa bawat komunidad upang makatulong sa pagpapalaganap ng misyon at mga Salita ng Diyos sa bawat mananampalataya.

Hinikayat ang kabataan na gamitin ang talento na ipinagkaloob ng Panginoon sa pakikiisa sa misyon na iniatang ni Hesus sa mga lingkod ng Simbahan, ang hikayatin ang lahat tungo sa kabanalan gamit ang makabagong teknolohiyang madalas ginagamit ng tao.

“Mahalaga na bawat kabataan natin ay humaharap sa Diyos at kumikilala sa napakalaking biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos bilang mananampalataya,” dagdag ni Bishop Mallari.

Nataon din sa deklarasyon ng Kalipunan ng mga Obispo sa Taon ng mga Kabataan ang nakatakdang National Youth Day na gaganapin sa ika -23 hanggang 28 ng Abril sa Arkidiyosesis ng Cebu na dadaluhan ang higit 10, 000 kabataan mula sa 86 na mga Arkidiyosesis at Diyosesis sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,838 total reads

 126,838 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,279 total reads

 170,279 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,035 total reads

 220,035 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,231 total reads

 379,231 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,573 total reads

 400,573 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top