Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hoarding at pagbibenta ng mahal, immoral.

SHARE THE TRUTH

 304 total views

March 16, 2020, 2:37AM

Hindi katanggap-tanggap at maituturing na immoral ang mga mapagsamantalang indibidwal na ginagamit ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak para sa pansariling kapakanan.

Ito ang reaksyon ni CBCP — Episcopal Commission on Health Care (ECHC) Vice Chairman Bishop Oscar Florencio sa ginagawang hoarding ng mga produkto tulad ng alcohol, face mask at gamot na maituturing na pangunahing proteksyon laban sa nasabing sakit.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap na gamitin ng mga negosyante o sinuman ang COVID-19 outbreak upang manamantala at kumita sa halip ay dapat na mas umiral ang pagkakawang gawa sa kapwa.

“Ang panawagan ko dito na kung ano ang makakabuti sa tao on calamities, mga sakit na ito, sakuna na ito, huwag naman to take advantage, they will be hoarding and then ibibenta ng malaking presyo and so forth and so on because that to me that is immoral…”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin ang Obispo na doble ang kaparusahan sa mga gahaman at mapang-abusong indibidwal na tanging sariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Bishop Florencio na mahalagang mangibabaw ang pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa.

“I would like to believe that yung parusa diyan is I don’t know if I could be correct, ang parusa diyan ay doble, doble because what, ito na yung nasalanta na tayo and then here you are greedy and then you are taking only of your own good, of yung kapakanan mo, yung negosyo mo at sa lahat ng ito it has again to boil down into our concern, our concern and love for other people…”dagdag ni Bishop Florencio.

Ang buong Metro Manila sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng 30-araw na COVID-19 community quarantine.

Ayon sa Social Catholic teaching, pabor ang Simbahan na kumita ang mga mamumuhunan, gayunman, mahalagang matiyak na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan o kapahamakan sa kalusugan at buhay ng tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,682 total views

 15,682 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,782 total views

 23,782 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,749 total views

 41,749 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,981 total views

 70,981 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,558 total views

 91,558 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 334 total views

 334 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,154 total views

 1,154 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,629 total views

 6,629 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top