Pananampalataya ng mga Filipino, lalong tumatag sa gitna ng COVID-19 crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

March 17, 2020 – 11:59am

Inihayag ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Borongan na patuloy ang pamamayagpag ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas partikular sa Eastern Samar sa kabila ng iba’t- ibang hamon.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez, nanatiling mabunga ang biyaya ng pananampalataya sa buhay ng mga taga Eastern Samar at maging ng mga Filipino sapagkat nagsisilbi itong kalakasan ng bawat isa.

“Being Christians is not only an accessory to life but an identity; It is a source of our strength, and is giving us hope and endurance e in times of crisis,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paghahanda sa paggunita ng ikalimandaang taon mula nang dumating ang unang misyonero sa isla ng Homonhon noong 1521, ang pagdating din ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Bishop Varquez na sa kabila ng panibagong krisis na kinakaharap ng mga Filipino bunsod ng Corona Virus Disease 2019 na nakakaapekto sa buhay ng mga tao at sa ekonomiya ng bansa.

“There is nothing in our Christian Faith that is not, in a way, an answer to our problems, that frees us from the clutches of evil circumstances. Our faith is the key that opens us to hope, to lighten up our anxieties and fears,” saad ng obispo.

Bukod dito, tiniyak din ni Bishop Varquez ang gabay ng Diyos na magliligtas sa sangkatauhan kaya’t hindi dapat nangangamba ang tao sa maaring dulot ng krisis.

Aniya, ang mga ninuno ang patunay na mas higit na makapangyarihan ang Diyso sa kaysa sa anumang suliranin at hamong kakaharapin ng tao sapagkat nalalagpasan ito sa tulong ng pananampalataya at pananalig sa Panginoon.

“If this faith is what we truly need in this time of pandemic, we must share this to others, teach this to others, and preach it to everyone especially to people living in fear and are losing hope,” saad ni Bishop Varquez.

Samantala, hinikayat ng obispo ang mga Filipino na ipagbunyi at ipagpasalamat ang biyaya ng pananampalataya na tinatamasa ng bawat isa gayong naghahanda ang Pilipinas sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo na ipagdiriwang sa 2021 kung saan ngayong taon ay nakatuon ang paksa sa Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People bilang pakikipag-ugnayan sa mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, tradisyon at paniniwalang kinagisnan.

“Sa ating pagbubukas ng mga gawain sa paghahanda upang ipagdiwang ang 500 years of Christianity sa ating bansa. Magdiwang tayo at magpasalamat. Magbunyi tayo na puno ng Pananampalataya, Pag-asa, at Pagmamahal. Ipagpatuloy natin ang pagtuturo ng tamang Pananampalataya. We continue, with passion, enthusiasm and courage in proclaiming our Catholic Faith.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,025 total reads

 64,025 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 150,523 total reads

 150,523 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 193,558 total reads

 193,558 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,318 total reads

 243,318 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 401,440 total reads

 401,440 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top