Rule of law, sundin sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 392 total views

Nanindigan ang National Union of People’s Lawyer na kinakailangang sundin ang rule of law at hindi mag-shortcut ang mga otoridad sa tamang proseso ng paglilitis sa mas pinaigting na kampanya ng kasalukuyang Administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ipinaliwanag ni Atty. Josalee Deinla – Asst. Secretary-General for Education ng NUPL, ang bawat mamamayan ay may karapatan na maprotektahan ng batas maging ang mga pinaghihinalaang akusado sa krimen o sangkot sa ilegal na gawain.

“Dapat dumaan sa due process ito yung right to due process ng mga akusado kahit pa pinaghihinalaan kang drug-pusher, cutler, protector may mga karapatan ka pa din, kailangan dumaan sa tamang proseso bago mapatunayan na ikaw ay may sala at mapatawan ng parusa, eh hindi nga yun ang nangyayari dahil ang nakikita natin ay puro shortcut, shortcut and quick-fixes na unfortunately ay labag sa mga karapatan,”pahayag ni Deinla sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) mula lamang July 1 hanggang August 2 ng kasalukuyang taon, umaabot na sa kabuuang 565,806 ang mga kusang sumuko sa mga otoridad, nasa 5,418 ang mga naarestong drug suspects, habang umaabot na rin sa 402 ang naitalang namatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga.

Nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

Samantala, una na binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,635 total views

 14,635 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,649 total views

 64,649 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,518 total views

 60,518 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,660 total views

 96,660 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,702 total views

 104,702 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top