Pondo ng Pinoy foundation, nagpapasalamat sa Good Samaritans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,589 total views

Nagpapasalamat ang Pondo ng Pinoy sa mga Good Samaritan na patuloy sa pagkakaloob ng kanilang 25-sentimos na barya o tinatawag na “mumo”.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, ipinagmalaki ni dating ambassador Henrietta de Villa, sub-committee chairman ng Pondo ng Pinoy community foundation na dahil sa kaloob na 25-sentimos ay nakapagpabigay sila ng cash donations sa programa ng Caritas Manila at iba’t-ibang arkidiyosesis at diyosesis para sa mga lubos na apektado ng pandemya.

Ang cash donations ay bukod pa sa mga ipinamimigay ng Pondo ng Pinoy na relief goods at face masks.

Ikinagagalak ni de Villa na ibahagi sa Radio Veritas na ang Pondo ng Pinoy ay “caught the imagination of the people” at nagdulot ng himala.

Ayon kay de Villa, dahil sa Pondo ng Pinoy ay nakaugalian na ang paglalaan ng “mumo” para magbigay ng pag-asa sa mga kapuspalad at isinasantabi sa lipunan.

“Ang pag-iipon ng 25-sentimos para sa Pondo ng Pinoy ay pinanggagalingan ng katuwaan, feeling of fulfillment. Caught the imagination of the people, kaya marami ang nagbabahagi. The habit become a virtue”. Pahayag ni de Villa

Sinabi ni de Villa na ang pakikibahagi sa Pondo ng Pinoy ay pagpapakita ng pagmamahal ng diyos at pagmamahal sa kapwa.

Tiniyak ni de Villa na ang Pondo ng Pinoy na itinatag noong 2004 ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales ay patuloy sa kanyang misyon na akayin ang mamamayan na magbalik loob sa Panginoon at buksan ang puso sa kapwa upang makabuo ng isang nagkakaisang sambayanan.

“Hangarin ng Pondo ng Pinoy na itaguyod ang pagbabago sa sarili para sa kabutihan ng iba. Tatlong P: pagtataguyod, pag-aaruga at pagmamalasakit sa kapwa”.pagbabahagi ni de Villa.

Nabuo at naitatag ang Pondo ng Pinoy sa pamamagitan ng motto at principle ni Cardinal Rosales na “Anumang magaling kahit maliit basta’t malimit ay patungong langit”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,889 total views

 49,889 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,758 total views

 45,758 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,960 total views

 81,960 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,598 total views

 90,598 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,706 total views

 115,706 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top