Virtual masses, isasagawa para sa pista ng Santo Niño sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total views

Hinikayat ng pamunuan ng Basilica Minore del Santo Niño De Cebu ang mga debotong magtutungo sa simbahan na sundin ang mga ‘safety protocol’ upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

Ayon kay Fr. Ric Anthony Reyes, OSA, head secretariat sa mga gawain ng Fiesta Señor, may mga deboto pa rin ang pumupunta sa basilica sa kabila ng pagbabawal sa publiko na dumalo sa mga banal na pagdiriwang.

“We are advising [the devotees] that as much as possible to observe to the optimum level the social distancing and the health protocols,” pahayag ni Fr. Reyes sa Radio Veritas.

Ipinagpapatuloy naman ng simbahan ang mga virtual novena masses na mapapanood at mapakikinggan ng mga deboto sa mga social media platform ng basilica.

Sa unang araw ng misa nobenaryo ng Santo Niño umabot sa 20, 000 ang mga debotong dumalo kaya’t nahirapan ang mga otoridad na ipatupad ang physical distancing.

Dahil dito, napagkasunduan ng mga Agustinong pari na kanselahin ang in-person activities upang maiwasan ang ‘mass gathering’.



Mensahe naman ni Fr. Reyes sa mga pumupunta sa basilica ang ibayong pag-iingat para sa kapanakanan ng bawat isa na maging ligtas mula sa sakit.

Bukas naman sa publiko ang pilgrim center ng basilica at ilang bahagi ng simbahan kabilang na ang marble chapel na pinagluklukan sa imahe ng batang Hesus kung saan maaring makapagdasal ang mga deboto anumang oras.

Humiling din ng pang-unawa ang pamunuan ng basilica sa mga deboto sa pagkansela sa mga pampublikong misa lalo’t ito ay para sa kaligtasan ng mamamayan.

Maaring sundan ang mga misa ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa Facebook, Youtube at iba pang media partners ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 125,661 total views

 125,661 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 155,883 total views

 155,883 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 182,531 total views

 182,531 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 277,504 total views

 277,504 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 290,397 total views

 290,397 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top