Paghuhubog bilang mabuting Kristiyano, patuloy na misyon ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total views

Tiniyak ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikiisa sa misyon ng simbahan sa pamamagitan ng paghuhubog sa mga kabataan.

Ito ang inihayag ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto na kasapi ng education ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng organisasyon.

“CEAP will continue its role as a prophetic voice in advancing and promoting the teaching functions of the catholic church,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Presto.

Ayon sa obispo mananatiling katuwang ng simbahan ang CEAP sa paghuhubog ng mananampalataya sa tulong ng pagbibigay ng wastong edukasyon sa kabataan na nakabatay sa turo ng simbahan.

Paliwanag ni Bishop Presto sa loob ng walong dekada mula nang maitatag ang organisasyon ay mas lalong umigting ang pakikibahagi nito sa lipunan at kaisa ng simbahan sa paninindigan sa mga napapanahong usapin sa lipunan.

“Since then, CEAP made its presence felt in the society; it continues to become more socially involve association standing by the teachings of the catholic church while immersing itself in the socio-political realities of the time,” anang obispo.

Kinilala rin ni Bishop Presto ang matinding hamong kinakaharap ng organisasyon na labis apektado ng pandemya partikular na ang pagbaba ng mga kabataang nag-enroll bunsod ng pagkansela ng face-to-face classes.

Sinabi ng obispo na ang paghina at pagtigil operasyon ng ilang institusyon ay nagdulot ng kawalang trabaho sa ilang kawani na bahagi ng CEAP sa mahabang panahon subalit tumugon pa rin sa pangangailangan ng mga kawani at estudyanteng naapektuhan ng krisis.

“There are schools extended assistance to their employees in various ways, these are acts of solidarity with the suffering,” ayon pa kay Bishop Presto.

Batay sa tala, mula nang maitatag ang organisasyon noong 1941 umaabot na sa humigit kumulang 1, 500 ang kasaping paaralan ng CEAP na nanindigang patuloy itaguyod ang tungkulin sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa religious education bilang pangunahing sangkap sa Catholic education.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,846 total views

 15,846 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,860 total views

 65,860 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,729 total views

 61,729 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,833 total views

 97,833 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,774 total views

 105,774 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top