Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang mabuting pinuno ay mabuting halimbawa

SHARE THE TRUTH

 629 total views

Mga Kapanalig, sa Tito 2:7, mababasa natin ang mga salitang ito: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang iyong mga sinasabi.”

Akma itong paalala sa sinumang naatasan ng malaking responsibilidad na mamuno. Totoong mahirap gampanan ang tungkulin ng mga namumuno sa atin, ngunit kailangan nilang magsumikap na gawin ang tama, matuwid, at makatarungan dahil tinitingala sila ng kanilang mga pinamumunuan. Kaya tunay na nakalulungkot kapag may mga pinuno tayong hindi pinangungunahan ang kanilang mga sarili sa pinakamataas na pamantayan.



Isa sa mga pamantayang ito ang pagpapahalaga at pagtatanggol sa katotohanan, ang hindi pagsisinungaling o pagbabaluktot ng kung ano ang totoo. Hindi natin ito makita sa pinakabagong pahayag ni Lieutenant General Antonio Parlade, ang tagapagsalita ng   National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict. Aniya, “recruitment havens” o kanlungan ng mga recruiters ng mga rebeldeng komunista ang 18 kolehiyo at pamantasan sa bansa. Kasama rito ang mga Catholic universities katulad ng De La Salle University, Ateneo de Manila University, at University of Santo Tomas. Laganap daw ang recruitment sa mga mag-aaral sa mga paaralang ito upang sumapi ang mga kabataan sa New People’s Army (o NPA).

Sa pahayag ng mga pangulo ng ilan sa mga pamantasang idinawit, iginiit nilang iresponsable ang ginawa ni General Parlade dahil wala siyang ipinakikitang ebidensya. Nakababahala ang paratang na ito ng lider ng isang task force na naatasang tuldukan ang armadong tunggalian ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga guro at mag-aaral sa mga paaralang ito. At taliwas ang pagpaparatang nang walang ebidensya sa mabuting katangian ng mga pinuno.

Nararapat ding asahan natin sa ating mga lider na maging positibong halimbawa sa kanilang mga pinamumunuan. Leadership by example, ‘ika nga. At ngayong may pandemya, lagi tayong pinaaalalahanang sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang paghahawahan at pagkalat pa ng COVID-19. Halos isang taon na rin tayong kailangang magsuot ng mask at hindi makapagdiwang kasama ng ating pamilya dahil bawal ang mass gathering. Ngunit ang mismong contact tracing czar na si Baguio City Mayor at dating PNP-CIDG chief Benjamin Magalong ang sumuway sa mga patakarang inaasahang sundin natin. Dumalo siya sa marangyang birthday party ng isang mayamang indibidwal sa isang hotel sa kanyang lungsod. Kumalat ang video kung saan makikitang hindi nasunod ang physical distancing at hindi nakasuot ng face masks ang maraming dumalo. Sa kanyang sagot sa mga bumatikos sa kanyang ginawa, sinabi niyang “tao lang” siya at nakalilimot na sumunod sa mga protocols sa sobrang kasiyahan.

Kabalintunaan ngang itinalaga ni Pangulong Duterte ang isang heneral upang wakasan ang rebelyon sa kanayunan at ang isang dating pulis upang pangasiwaan ang contact tracing sa bansa dahil sa aniya’y disiplinang mayroon sila dahil sa kanilang pagsasanay bilang sundalo at pulis, ngunit hindi natin ito nakikita sa kanila. Hindi masasabing “disiplina”—o mahusay na pamumuno—ang makikita natin sa pagpapakalat ng maling impormasyong naglalagay sa panganib sa mga inosenteng mamamayan at pagsuway sa mga regulasyong ipinatutupad upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng isang nakamamatay na sakit.

Mga Kapanalig, common good o ang kabutihang panlahat ang isa sa mga saligang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Isa rin prinsipyong dapat gumagabay sa ating mga pinunong naatangan ng tungkuling pangalagaan at itaguyod ang kapakanan nating lahat sa pamamagitan ng pagtatanggol sa katotohanan at pagiging mabuting halimbawa sa lahat. Tumatalikod dito ang ating mga pinunong nagpapakalat ng kasinungalingan at nagiging halimbawa ng paggawa ng mali.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,704 total views

 73,704 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,699 total views

 105,699 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,491 total views

 150,491 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,438 total views

 173,438 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,836 total views

 188,836 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 881 total views

 881 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,933 total views

 11,933 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,705 total views

 73,705 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,700 total views

 105,700 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,492 total views

 150,492 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,439 total views

 173,439 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,837 total views

 188,837 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,890 total views

 135,890 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,314 total views

 146,314 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,953 total views

 156,953 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,492 total views

 93,492 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,782 total views

 91,782 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top