Kawanggawa sa kapwa, sagisag ng dakilang pag-ibig ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 933 total reads

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na mas umigting ang katangian ng paglilimos at pagdarasal ng mamamayan sa panahong nahaharap sa pandemya ang lipunan.

Sa homiliya ng obispo nitong Pebrero 17 o ang Miyerkules de Ceniza inihayag nitong ang pagbabahagi sa kapwa lalo na sa mga naghihikahos ay maituturing na sagisag ng paglago ng pananampalataya at pagpalaganap ng dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sambayanan.

“Sa panahong ito ng pandemya ang ating paglilimos ay nakatutulong at nagpapalakas sa ating pananampalataya ngayong kuwaresma; nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos sa kapwa,” pagninilay ni Bishop Tobias.

Ayon pa kay Bishop Tobias na sa lenten message ng Kanyang Kabanalan Francisco binigyang koneksyon nito ang theological virtues at ang mga mahahalagang gawain ng kuwaresma.

Paliwanag ng obispo na ang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal ay nakaugnay sa pagdadasal, pag-ayuno at paglilimos.



Sinabi ng Obispo na sa pag-aayuno ay natutuhan ng tao ang pagkontrol sa sarili halimbawa sa pagkain kung saan nakapagbabahagi pa ito sa kapwa.

Giit ni Bishop Tobias na sa pagdarasal ay nabigyan ang bawat isa ng pag-asa sa katubusang hatid ni Hesus sa Kanyang muling pagkabuhay.

“Kapag naisagawa natin ang magandang hiyas ng pagiging kristiyano, ang pag-ayuno, pagdarasal at paglilimos ay lalong umuusbong ang ating pananampalataya, pag-asa at pagmamahal tungo sa ating kapwa,” ani Bishop Tobias.

Ang Miyerkules ng abo ang simula ng apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na nagdudulot ng kaligtasan sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,645 total reads

 54,645 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 141,141 total reads

 141,141 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 184,178 total reads

 184,178 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,937 total reads

 233,937 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,564 total reads

 392,564 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top