Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Radio Veritas na muling mapagtagumpayan ng mga Filipino ang hamon ng kasalukuyang panahon kung may pagkakaisa ang bawat mamamayan.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, vice President for Operations ng himpilan, nawa’y isantabi ang pagkakaiba ng pananaw lalo na sa usaping pampulitika kundi mangibabaw ang pagbubuklod buklod tulad noong EDSA People Power Revolution.



“Sa paggunita natin sa EDSA People Power, nawa’y ating muling maramdaman ang pagsasama ng mga Pilipino at mga taong may pananalig sa Diyos na sa kabila ng mga tila hindi malalampasang pagsubok, tayo ay magtatagumpay dahil sa ating pagsasamasama, pagtutulungan at pagtitiwala sa Diyos,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Binigyang diin naman ni Sr. Clemencia Mallete ng Daugters of St. Paul na mahalaga ang panalangin upang makamtan ang kapayapaan ng lipunan.

Umaasa ang madre na patuloy maisabuhay ang diwa ng mapayapang rebolusyon at higit mapalalim ang pananampalataya sa Panginoon.

“Sana magkaroon ng katuparan ang ipinaglalaban ng EDSA 35 years ago at hindi masayang ang effort ng mga tao; patuloy tayong magdasal sa Panginoon na magkaroon pa ng mas lalong pananampalataya ang mga tao,” ani Sr. Mallete.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang wreath laying at flag ceremony sa EDSA People Power Monument kasama ang mga opisyal ng EDSA People Power Commission.

Pinangunahan ni Fr. Bellen ang pambungad na panalangin sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng tinaguriang ‘bloodless revolution’.

Binigyang diin ni Fr. Bellen na nawa’y ang karanasan ng rebolusyon sa EDSA ay magpapaalala sa bawat isa na iisa lamang ang hangarin para sa bansa.

“Sana ang diwa ng EDSA ang magpaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, nasa iisang bayan, at lahat naghahangad na marating ang matiwasay at maayos na buhay na hangad din para sa atin ng Diyos,” giit ni Fr. Bellen.

Sa kasaysayan, malaki ang ambag ng Radio Veritas sa matagumpay na EDSA People Power Revolution makaraang manawagan sa publiko si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magtungo sa EDSA upang wakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,246 total reads

 4,246 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,776 total reads

 40,776 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,182 total reads

 97,182 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,644 total reads

 220,644 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top