COVID 19 vaccine webinar, pangungunahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang lahat na makibahagi sa dalawang webinar hinggil sa mga dapat malaman ng publiko sa pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito ay ang Ating Alamin: Bakuna sa COVID-19 na isasagawa sa Marso 1 at 4 sa ganap na 10:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Layunin ng nasabing webinar na hikayatin ang publiko na makiisa sa panawagan ng pamahalaan at simbahan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyan nang mahinto at hindi na lumaganap pa ang virus..

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Dr. Nina Castillo-Carandang, member ng World Health Organization Social Science Working Group on COVID-19 at si Dr. Nina Gloriani, ang chairman ng Department of Science and Technology Vaccine Expert Panel for COVID-19.



Gayundin sina Dr. Maria Cristina Alberto na isang Community Pediatrician at Founder ng Hope In Me Club; at Dr. Jemelyn Garcia mula sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.

Magbabahagi rin sa nasabing webinar ang Chairman ng CBCP-Healthcare Ministry Naval Bishop Rex Ramirez; Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo; CBCP President Davao Archbishop Romullo Valles; at CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Samantala, makikipagtulungan naman ang Diocese ng Balanga, Bataan sa pamahalaang panlalawigan nito upang makakuha ng COVID-19 Vaccine para sa kanilang mga kaparian at iba pang kasamahan sa Diyosesis.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos na mamamahagi rin ang Diyosesis ng libreng COVID-19 Vaccine para sa mga nais kumuha nito at inialok na bukas ang mga simbahan at paaralan bilang lugar ng pagdadausan ng pagpapabakuna sakaling kailanganin ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang makakatanggap ang Pilipinas ng higit sa 5-milyong doses ng COVID-19 Vaccines sa unang quarter ng taon habang inaasahan naman ang pagdating pa ng karagdagang 24 na milyong doses sa ikalawang quarter.

Register on Webinar

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,519 total reads

 131,519 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,627 total reads

 174,627 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,385 total reads

 224,385 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,579 total reads

 383,579 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,668 total reads

 404,668 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,451 total reads

 191,451 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top