Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parish-based vaccination, inilunsad ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

 516 total views

Opisyal na inilunsad sa Arcdiocese of Caceres ang kauna-unahang Parish-based Vaccination program sa Bicol Region na tinaguriang “Resbakuna Kaiba an Parokya”.

Naganap ang vaccination Drive sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus sa Concepcion Grande, Naga City na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Naga sa pangunguna ni Naga Mayor Son Legacion.

Ayon kay Rev. Fr. Francis Tordilla, Parish Priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus, ang Parish-based Vaccination Activity ay alinsunod sa tagubilin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang bawat mamamayan sa COVID-19 virus.

Sinabi ng Pari na ang gawain ay isa ring kongkretong tugon ng Arkidiyosesis sa mga tinuran ng Santo Papa Francisco na ang Simbahan ay hindi isang museyo o pribadong tanggapan sa halip ay isang lugar para sa lahat lalo na sa mga nangangailangan.

Paliwanag ni Fr. Tordilla, ang Simbahan ay maituturing din na isang pagamutan na nagbibigay lunas hindi lamang sa mga may karamdamang pangkalusugan kundi karamdaman pag-espiritwal.

“Sabi nga ni Pope Francis ‘The Church is not a museum, the Church is not an office’, ang Simbahan is a field hospital and literally we are making our church a hospital today,” pahayag ni Fr. Tordilla.

Inilaan ang unang Parish-based Vaccination Activity sa dambana sa pagbabakuna sa mga 18-taong gulang pataas sa lugar habang nakatakda naman sa ika-30 ng Nobyembre ang ikalawang Vaccination Drive na nakalaan para sa mga kabataang edad 12-taong gulang hanggang 17-taong gulang.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Naga sa Arkidiyosesis ng Caceres sa patuloy nitong pakikipagtulungan sa pagkamit ng herd immunity ng mga mamamayan ng Bicol region mula sa COVID-19 virus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,763 total views

 9,763 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,863 total views

 17,863 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,830 total views

 35,830 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,150 total views

 65,150 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,727 total views

 85,727 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 609 total views

 609 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,060 total views

 6,060 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,777 total views

 11,777 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top