Cardinal Advincula, nakipagpulong kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Nakipagpulong sa Kanyang Kabanalan Francisco ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula nitong Abril 21, 2022.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pakikipagkita ng arsobispo ng Maynila sa Santo Papa makaraang italagang Kardinal noong Nobyembre 2020.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Father Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Colegio Filipino sa Roma, nakipagpulong din si Cardinal Advincula kay Cardinal Giovanni Battista Re ang kasalukuyang Dean ng College of Cardinals.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makasalamuha ni Cardinal Re ang arsobispo ng Maynila sapagkat ito ang Prefect ng Congregation for Bishops noong itinalagang obispo si Cardinal Advincula sa San Carlos Negros Occidental noong 2001 sa pamamagitan ni St. Pope John Paul II.

Bukod dito nakipagkita rin ang cardinal kay Philippine Ambassador to the Holy See, Myla Grace Macahilig at kay Most Rev. Lazarus You Heung-sik ang Prefect ng Congregation for the Clergy kung saan kasapi si Cardinal Advincula.

Ikinagalak ni Fr. Gaston ang pagbisita ni Cardinal Advincula sa institusyon kung saan naging bahagi rin ito noong mag-aral ng Canon Law sa Roma noong dekada 80 at pinasalamatan ang patuloy na suporta sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga paring mag-aaral.

“We are honored to host our distinguished alumnus Cardinal Advincula during these days of his meetings and pilgrimage. He was named Cardinal last year, as the Collegio celebrated its 60th year of life and service to the Church especially back home in the Philippines. As Archbishop of Capiz and now of Manila, Cardinal Joe has been continuously sending priests to the Collegio for further studies and to strengthen the seminaries and other diocesan ministries back home.,” bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston.

Samantala, nakasalamuha rin ni Cardinal Advincula si Reims Reelu Archbishop Eric de Moulins-Beaufort, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of France na may lahing Filipino.

Sa pinakabagong listahan ng 117 Cardinal Electors kabilang na rito si Cardinal Advincula kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle ang Prefect ng Dicastery for Evangelizaton.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,074 total reads

 78,074 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,633 total reads

 118,633 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,798 total reads

 141,798 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,066 total reads

 190,066 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,106 total reads

 209,106 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top