Kapistahan ng mga Santo, magpapalago sa pananampalataya at buhay espiritwal-CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Health Ministry ang mananampalataya na gunitain ang mga kapistahan ngayong Mayo na magpapalago sa pananampalataya at buhay-espiritwal.

Ayon kay Father Dan Cancino, M.I., executive secretary ng komisyon, kaakibat nito ang ibayong pag-iingat lalo na sa mga pagtitipon upang maiwasan ang posibleng hawaan ng coronavirus disease.

“Uulitin ko, sana isaisip natin na ang kapistahang ito ay magpalalim ng ating buhay pananampalataya. Nagpapalalim pero nasa isip at puso natin na nandoon pa rin ‘yung ating pagsunod sa minimum health protocols against COVID-19,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ni Fr. Cancino na talagang nakatulong nitong mga nagdaang taon ng pandemya ang mahigpit na pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Iginiit ng pari na ang minimum public health standards ay dapat nang maging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng publiko upang matiyak ang patuloy na kaligtasan laban sa sakit.

“Tayo dapat ay laging maging vigilant para sa kalusugan. Hindi lang ng kalusugan mo, pero kalusugan din ng kapwa natin. This is our moral responsibility to also maintain and sustain the health of our brothers and sisters,” ayon sa pari.

Maituturing ang buwan ng Mayo bilang buwan kung saan ipinagdiriwang ang iba’t ibang kapistahan sa buong bansa.

Ito rin ang buwan na inilaan ng Simbahan sa pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria.

Sa nakalipas na dalawang taon, pansamantalang ipinagpaliban sa bansa ang pampublikong pagdiriwang ng mga kapistahan bilang pag-iingat laban sa pag-iral ng COVID-19 pandemic.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,845 total reads

 8,845 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,696 total reads

 35,696 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 76,255 total reads

 76,255 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,465 total reads

 102,465 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,732 total reads

 150,732 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 171,219 total reads

 171,219 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,420 total reads

 129,420 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top